• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2-time world champion at Olympic flag bearer Alex Pullin, patay sa beach sa Australia

Namatay habang nasa spearfishing sa Australia ang two-time world champion snowboarder na si Alex Pullin.

 

Ayon sa mga otoridad, nakita na lamang ang katawan ng 32-anyos na si Pullin sa beach ng Queensland’s Gold Coast na wala ng buhay.

 

Si Pullin na tinatawag ding si “Chumpy” ay nagsilbing flagbearer ng national team ng Australia noong 2014 Winter Olympics sa Sochi, Russia.

 

Kuwento ng ilang lifeguards, wala na raw oxygen mask si Pullin na sa tingin nila ay nag-free diving at nanghuhuli ng isda sa artificial reef.

 

Samantala, bumuhos naman ang pakikiramay sa Australian sports community at iba’t ibang panig ng mundo.

 

Labis ang kanilang panghihinayang sa pagkawala ng isang “incredible athlete” na tatlong beses na naging bahagi ng Olimpiyada sa larangan ng snowboard cross noong taong 2010, 2014 at 2018.

 

Matatandaang nagkasundo sina Japanese Prime Minister Shinzo Abe at IOC president Thomas Bach na ipagpaliban na lamang sa 2021 ang Olympics dahil sa nararanasang health crisis.

Other News
  • Quake drills, layon na bawasan ang casualties- NDRRMC

    NANAWAGAN  ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)  sa publiko na magpartisipa sa lahat ng earthquake drills na naglalayong bawasan ang casualties lalo pa’t walang paraan ma-predict kung kailan mangyayari ang lindol.     “We call on everyone to join the drill once again as part of our effort to reinforce earthquake preparedness. […]

  • NAVOTAS NAGSIMULA NA SA PAYOUT NG PONDO NG LGU PARA SA ECQ AYUDA

    Sinimulan na ng Lokal na Pamahalaan ng Navotas ang payout ng enhanced community quarantine (ECQ) cash assistance na mula sa pondo ng lungsod.     Nasa 3,407 Navoteño families ang nakatanggap ng P1,000-P4,000 mula sa P32-milyon na pondo ng lungsod na ibinalik na budget mula sa various offices.     “The P32-million will cover the […]

  • MANILENYO ANG MAGBABAYAD SA IIWANANG P15-B UTANG NG GOBYERNO NI MAYOR ISKO

    MAMAMAYAN ng Maynila ang pahihirapan ng napakalaking utang — tinataya sa mahigit na P15-bilyon na iiwanan ni Manila Mayor Isko Moreno na mali ang prioridad na ginastusan.     “… magbabayad niyan ang taumbayan sa pamamagitan ng babayaran nila na mataas na taxes,  mataas na (bayad) sa permit, mataas na licenses, at marami pang penalties […]