Administrasyong Marcos, itinaas ang borrowing ng 23%, dahil sa domestic debt
- Published on December 3, 2024
- by @peoplesbalita
HUMIRAM ang administrasyong Marcos mula sa local at foreign sources sa unang 10 buwan ng taon para itawid ang budget deficit ng gobyerno.
Makikita sa data mula sa Bureau of the Treasury na ang gross financing ng National government ay tumaas ng 23% mula January hanggang October 2024 ng P2.429 trillion, mula P1.975 trillion sa kaparehong panahon ng nakaraang taon.
Ang pagtaas sa borrowing ay bunsod ng pag-secure ng gobyerno ng P129.26 bilyong halaga ng loans mula sa domestic at foreign creditors noong October. Gayunman ang halagang ito ay mas mababa sa P225.2 billion na hiniram sa kaparehong buwan noong 2023.
Ayon sa Treasury report, ang pagbaba sa October borrowing ay dahil sa pagbabawas ng gobyerno ng offshore financing nito mula P174.63 billion noong nakaraang taon sa P67.46 billion.
Sa kabilang dako, itinaas naman ng gobyerno ang domestic financing nito ng 22% sa nasabing buwan , sa P61.8 billion mula sa P50.57 billion.
Kasama ang karagdagang paghiram noong Oktubre, ang kabuuang gross financing mula foreign creditors ay umabot sa P556.25 billion sa unang 10 buwan ng taon, tumaas mula sa P456.31 billion sa nakalipas na taon.
Ang kabuuang domestic borrowing ay tumalon naman sa 22% sa P1.863 trillion sa pagtatapos ng Oktubre, mula P1.519 trillion sa nakaraang taon.
Samantala, ang total borrowing ni Pangulong Marcos sa unang 10 buwan ng taong kasalukuyan ay kumakatawan sa 94.5% ng full-year program na P2.57 trillion ng national government. (Daris Jose)
-
Volleyball stars nagbigay pugay kay Michele Gumabao sa pag-3rd place sa Miss U Phils
BINATI ng volleyball community ang beauty queen na si Michele Gumabao na dating isa sa stars noon sa UAAP. Kung maalala marami ring pinahanga si Gumabao na pumuwesto sa ikatlo sa ginanap na Miss Universe Philippines sa Baguio City nitong nakalipas na Linggo. Isa sa bumati sa kanya ay ang dating teammate sa […]
-
Meet the time-travelers as they embark on an epic sci-fi adventure in “Taklee Genesis x Worlds Collide”
GET ready for an adventure like no other as “Taklee Genesis x Worlds Collide” takes you on a thrilling ride through time and space! This highly anticipated Thai sci-fi epic follows the journey of Stella (Paula Taylor) as she returns to her rural hometown and reconnects with her father, who mysteriously vanished 30 […]
-
Pinas, may “binding obligation” sa posibleng pagbili ng Sinovac vaccine sa China
MAYROONG “binding obligation” ang Pilipinas hinggil sa posibleng pagbili ng COVID-19 vaccine doses sa Sinovac ng China. Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay tugon sa sinabi ni Finance Undersecretary Mark Joven sa Senate inquiry noong nakaraang Biyernes na ang term sheet na tinintahan ng gobyerno ng Pilipinas at Sinovac ay hindi […]