• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

QC MAYOR JOY, POSITIBO SA COVID-19

Sa Facebook post ng Quezon City Government kahapon, July 8 ay nagbigay ng pahayag si Quezon City Mayor Joy Belmonte ukol sa resulta ng kanyang Covid-19 test. Narito ang kanyang nagging pahayag.

 

“Nais ko pong ipahayag sa lahat ng aking minamahal na QCitizens na ako po ay nag-positibo sa aking huling COVID-19 test. Nagpapasalamat po ako na agad itong natuklasan. Sa ngayon, maayos po ang aking kalagayan at wala po akong nararamdamang anumang sintomas. Mahigpit ko pong sinusundan lahat ng quarantine protocols ng ating Department of Health at sinimulan na din po ng QC Epidemiology and Surveillance Unit (QC-ESU) ang contact tracing procedures.

 

Bukod dito, isinara din pansamantala ang aking tanggapan para ma-disinfect ito kasama ang common areas ng City Hall.

 

Dahil sa pagdalaw sa ating mga health center at ospital, special concern lockdown areas at mga komunidad upang alamin ang kanilang mga pangangailangan, sa simula pa lang, batid na naming posibleng mangyari ito. Pero hindi ko po ito pinagsisisihan. Inihanda ko na po ang aking sarili at buong puso ko po itong tinatanggap.

 

Nangyari po ito sa kabila ng aking ibayong pag-iingat, pagsusuot ng facemask, madalas na paghugas ng kamay, at social distancing. Kaya sana ay magsilbi itong paalala na ang COVID-19 ay tunay na isang kakaibang sakit na dapat pag-ingatan pa nang lubusan.

 

Makasisiguro po kayo na patuloy ang serbisyo at gawain ng inyong lokal na pamahalaan sa kabila ng aking pag-quarantine. Bagama’t limitado ang aking pagkilos, mananatili po akong nakatutok sa kalagayan at pangangailangan ng buong Quezon City.

 

Maraming salamat po, at asahan ninyong sa aking paggaling, muli po ninyo akong makakasama upang personal po akong makapaglingkod sa inyo.”

 

Other News
  • Catantan sa world juniors & cadets naman eeskrima

    DALAWANG bagong kompetisyon ang sasalangan ng isa sa mga pambato ng Philippine Fencing Association Inc. (PFAI) na si Samantha Kyle Catantan.     Kakaespada lang ng bronze medal at pinarangalang isa sa siyam na All-American selection sa 2021 United States National Collegiate Athletic Association (NCAA) Fencing Championships sa Pennsylvania noong Marso 25-28, ng 19-anyos na […]

  • Pamamahagi ng ayuda mula sa pamahalaan, extended ng hanggang May 15-Sec. Roque

    BINIGYAN ng pamahalaan ang local authorities ng mas maraming oras para maipamahagi ang ayuda na nakalaan sa 22.9 million low income para makaagapay sa pinahigpit na COVID-19 restrictions.   “In-extend ang deadline na makumpleto ang pamamahagi ng financial assistance hanggang a-15 ng Mayo 2021,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.   “Some local governments appealed […]

  • NTF may kondisyon sa planong ‘limited face-to-face learning’ ng CHED, DepEd

    Nagbigay ng ilang kondisyon at guidelines si National Task Force Against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr. kaugnay sa binabalak ng Commission on Higher Education (CHED) at Department of Education (DepEd) na posibleng pagkakaroon ng limited face-to-face learning sa mga paaralan.   Sinabi ni Sec. Galvez, dapat may dormitoryo kung saan mananatili ng ilang buwan […]