• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NTF may kondisyon sa planong ‘limited face-to-face learning’ ng CHED, DepEd

Nagbigay ng ilang kondisyon at guidelines si National Task Force Against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr. kaugnay sa binabalak ng Commission on Higher Education (CHED) at Department of Education (DepEd) na posibleng pagkakaroon ng limited face-to-face learning sa mga paaralan.

 

Sinabi ni Sec. Galvez, dapat may dormitoryo kung saan mananatili ng ilang buwan ang mga estudiyante at isasailalim sila sa RT-PCR test bago papasukin at kung lalabas, panibagong test pagbalik.

 

Sa mga paaralan naman sa elementarya at sekondarya, kailangang magsagawa muna ng inspeksyon at kailangang alisin ang mga playground kung saan hindi makokontrol ang pagkukumpulan ng mga bata.

 

Kailangan din daw walang canteen na parang buffet style dahil dito posibleng magkakahawaan ng virus lalo walang face mask pag kumakain at magkakaharap pa.

 

Idinagdag pa ni Sec. Galvez na dapat din magkaroon ng re-engineering sa mga paaralan para sa isang entry gate at isang hiwalay na exit gate para hindi magkakasalubungan ang mga bata.

Other News
  • PBBM, ipinag-utos ang paglikha ng panel na tutugon sa deployment concerns ng mga Filipino seafarer

    IPINAG-UTOS ni Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. ang paglikha ng  isang advisory board na kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa  government agencies, international shipowners, at stakeholders na tutugon sa  deployment concerns ng mga Filipino seafarer.     Ayon sa Office of the Press Secretary (OPS), nagbigay ng direktiba ang Pangulo sa isang meeting kasama ang international […]

  • PDU30, kinastigo si Gordon nang tawagin siyang “cheap politician”

    KINASTIGO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Senador Richard Gordon matapos siyang tawagin nitong “cheap politician” sa gitna ng patuloy na pagdepensa ng Chief Executive sa emergency purchases na may kinalaman sa COVID-19 pandemic.   Sa kanyang Talk to the People, inulit ng Pangulo ang kanyang akusasyon laban kay Gordon na ginagamit ang Philippine Red […]

  • Hinaing ng sportsman, businessman ng Rizal (Huling bahagi)

    ISANG taon nang nakakulong si Andrew Joshua delos Reyes sa San Mateo Municipal Jail sa San Mateo, Rizal.   Ito’y makalipas siyang damputin ng mga pulis na nag-raid sa isang computer shop sa kalapit na village sa lugar na malapit din sa bahay ng kabigan niya.   Hindi nadakip ang may ari ng bahay kaya […]