• December 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Naghatid ng simple at kakaibang concert sa mga fans: JK, gumawa ng eksena sa paglabas ng venue habang kinakanta ang ‘Manhid’

PINILIT talaga naming makarating sa first-ever major concert ni Juan Karlos na kilala rin bilang JK Labajo na ginanap sa SM MOA Arena, mereseng maraming kasabay na showbiz events, bukod pa sa sobrang trapik dahil ramdam na ang Christmas rush.

 

 

Ang ‘juankarlosLIVE!’ na prinodyus ng Nathan Studios na pag-aari nina Sylvia Sanchez, na inabot nang halos tatlong oras ay punum-puno ng original songs na kinompos ni JK.

 

 

Pagpasok namin sa venue, naramdaman namin ang kakaibang concert vibes, na karamihan sa mga nanoood ay mga kabataan na mahihilig sa kakaibang musikang hatid ni JK.

 

 

Wala ngang kakaibang gimik o magarbong production numbers at stage design. Pero very GenZ ang bonggang pailaw at malaking LED screen. Kasama pa ang kuha ng drone na umiikot sa venue.

 

 

Napaka-simple ni JK na nakasuot lang ng t-shirt at jeans, at hindi na nakuhang mag-costume change dahil dire-diretso ang kanyang pagkanta.

 

 

Kakaiba para sa amin ang naturang concert sa mga napanood namin na OPM singers, malamang ganun din ang naramdaman ng marami. Atleast may kakaiba at hindi predictable ang mga mangyayari.

 

 

Ito talaga yun concert na parang nakikipag-jamming lang si JK sa kapwa musicians at litaw na litaw ang galing niya bilang rockstar, na bentang-benta naman sa kanyang fans, lalo na ‘pag nagti-tease na siya sa kanyang simpleng paggiling-giling.

 

 

May duet siya sa mga guest na sina Zild Benitez (sa kantang ‘Gabi’), Janine Berdin, na nag-opening act din, Kyle Echarri (virtual sa kantang ‘Kasing-kasing’), Paolo Benjamin of Ben&Ben para sa collab nila na ’Tapusin Na Natin ’To’, Moira sa awiting ‘Medyo Ako’ at Gloc-9 na first time nilang inawit ng live ang ‘Sampaguita’. Sa totoo lang napakalakas ng sigawan ng mga fans.

 

 

Of course, hindi rin kinalimutan ni JK ang cover song niya ng ‘Through The Years’ na naging theme song ng Netflix movie nila na ‘Lolo and the Kid’; at tulad ng pa-teaser niya before the concert, pinadama rin niya ang nakaka-inlove na version niya ng ‘Grow Old With You’.

 

 

Nagustuhan din namin ang bagong rendition niya ng ‘Buwan’ na kahit na ulit-ulitin niyang kantahin, sasabayan at sasabayan pa rin.

 

 

Pero meron siyang ginawang kakaiba na ikina-shock ng mananood, dahil pumunta si JK sa backstage na patuloy nakatutok ang camera, na akala namin ay magpapalit ng damit pero nagpunas lang ng pawis.

 

 

Kasunod nito ang paglabas niya ng MOA Arena para kantahin ang ‘Manhid’, nagsigawan talaga sa loob ng venue, na aliw na aliw sa nababaliw na pakulo ni JK.

 

 

Sa short video ni Bryan Dy ng Mentorque Production, may caption ito,

 

 

“Hahahaha kayo lang makakagawa nito! Hahaha iba amats niyo ikaw lang talaga ang producer Jojo Campo Atayde na sasakay sa trip ni juan karlos! Congrats aliw!

 

 

Sagot naman ni Sylvia, “Pareho lang kaming may TOPAK Hahaha kaya magkasundo. Thank u sa suporta Bryan Dy.”

 

 

Expected naman na ang magiging finale song niya, ang big hit na ‘Ere’, na talagang naman iniwan na niya ang audience after ng most-applauded song, na parang bitin sila sa halos tatlong oras na concert, dahil wala ng encore songs at biglang bumukas ang mga ilaw at signal na tapos na nga ang concert. At para sa amin, napatunayan talaga ni JK na kayang-kaya niyang magdala ng big concert, na balita namin ay inaayos ang concert series sa Australia, Canada at America, sa magaganap sa May to June 2025.

 

 

Sobrang happy siyempre ni Sylvia dahil hindi siya nagkamali na making producer ng first-major concert ni JK, na tatlong taong niyang niligawan at hinintay. At tama rin ang naging desisyon ni Juan Karlos na finally ay um-oo, dahil alam niya kaya na niya at nakapahanda na at lumakas na ang loob.

 

 

Sey pa ni Sylvia, kung magiging maayos ang lahat ay baka makaroon din ng repeat ang successful ‘juankarlosLIVE’ concert next year, na pupuwede itaon din ng November.

 

 

 

Congrats JK and Sylvia!

 

 

At dahil tapos na ang concert ang promo naman ng ‘Topakk’ ang pagkakaabalahan ni Ibyang, ang entry ng Nathan Studios sa 50th MMFF.

 

 

This week na ang presscon ng movie nina Arjo Atayde, Julia Montes at Sid Lucero, na may hinanda raw na bonggang pasabog.

 

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • 4 wildlife traders nabitag ng Maritime police sa entrapment ops

    NALAMBAT ng mga tauhan ng Maritime police ang apat na wildlife traders sa magkakahiwalay na entrapment operation sa loob at labas ng National Capital Region (NCR), kaugnay ng ‘All Hands Full Ahead’ campaign.     Ayon kay Northern NCR Maritime Police Station (MARPSTA) Chief P/Major John Stephanie Gammad, dakong alas-10:02 ng gabi noong May 9 […]

  • Barangay on-site registration ikinasa ng More Power para sa discount sa kuryente

    SA HANGARIN na maabot ang mas maraming Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) members at marginalized sector, nagdeploy ng kanilang personnel ang More Electric and Power Corporation (More Power) sa mga barangay para tumanggap ng aplikasyon para mabigyan ng diskwento sa singil sa kuryente o ang lifeline rate subsidy sa ilalim ng Epira Law.     […]

  • Ex-Mayor Elenita Binay inabsuwelto sa graft

    INABSWELTO ng Sandiganbayan si dating Makati City mayor Elenita Binay sa graft and malversation charges kaugnay ng mahigit P9.9 milyong halaga ng biniling medical equipment.     Nakalusot sa criminal lia­bility si Binay matapos hindi napatunayan ng proseku­syon ang kanyang “guilt beyond reasonable doubt.”     Kasama rin sa mga akusado sina dating Makati City […]