Pinarangalan din ang iba pang Asian actors: Direk NIJEL, back-to-back win sa international film festival sa Osaka, Japan
- Published on December 3, 2024
- by @peoplesbalita
ANG award-winning International Filmmaker, Direk Nijel de Mesa (na mula Njel ay ginawa nang Nijel ang name niya) ay muling maipagmamalaki ng Pilipinas sa pagkapanalo ng sunud-sunod na mga parangal para sa “Best Director” at “Best Cinematographer” sa katatapos na Ima Wa Ima Asian International Film Festival sa Osaka, Japan.
Ito ay inorganisa ng Global Maharlika sa Kansai, Philippine Community Coordinating Council, Korean Residents Union sa Japan, at Kyomigaru Creative Collective Group. Ang seremonya ng awards noong Disyembre 1, 2024 sa malaking Sumiyoshi Main Hall ay nagtatampok ng mga Special Awards para sa mga Asian artists na nagtatrabaho sa pelikula, telebisyon, at maging sa new media.
Nanalo naman si Jane de Leon ng “Best Actress” sa Kategoryang Suspense-Thriller-Horror Full-length at si Kim Ji Soo mula sa South Korea ay nanalo ng “Outstanding International Actor in a cross-cultural series” para sa kanyang pagganap sa GMA’s “Abot Kamay na Pangarap”.
Hinirang rin ang pelikula ni Direk Nijel na “Coronaphobia” ng “Best Picture” sa Kategoryang Suspense-Thriller-Horror. Si Daiana Menezes (isa sa mga bida ng “Coronaphobia”) at Ms. Jan Christine Reyes ng NDMstudios ay sumama kay Direk Nijel sa pagtanggap ng parangal. “Talagang hindi ito inaasahan! Sobrang saya namin—halos parang nag-hang out lang—habang nagsu-shoot. Ito ay isang labor of friendship at pag-ibig. Sobrang saya namin at nagustuhan ninyo ang aming nagawa kahit pa limitado ang aming mga resources,” sabi ni Daiana Menezes na puno ng saya.
Ang pelikula ay tungkol sa apat na banyagang naipit sa Pilipinas noong panahon ng pandemya—na nagpasya na magnakaw mula sa katabing gusali at isang baliw na psycho Janitor na may Coronaphobia.
Umaasa ang marami na dahil sa kahanga-hangang panalong ito, ang mga manonood sa Pilipinas ay sa wakas, magkakaroon na nang pagkakataon na mapanood ang award-winning na suspenseful film na ito sa mga sinehan sa taong 2025!
(ROHN ROMULO)
-
Public servants sa panahon ng kalamidad, community volunteers at medical at essential frontliners, kinilala ni PDU30 ngayong People Power Revolution
KINILALA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga public servants na nagbigay ng kanilang tapat at epektibong pamamahala sa local at national levels, sa mga nagsagawa ng rescue at relief operations sa panahon ng kalamidad, community volunteers, at maging ang mga medical at essential frontliners sa panahon ng COVID-19 pandemic ngayong ipinagdiriwang ang 1986 People […]
-
Nagpagupit sa well-known hair salon: MAINE, iniyakan at tila pinagsisihan ang kanyang short haircut
SA latest X post ni Maine Mendoza-Atayde, parang nagsisisi raw ang asawa ni Cong. Arjo Atayde sa pagpapagupit ng maikli sa ibang bansa. Ayon sa post ng host ng ‘Eat Bulaga’, “When you are in a foreign country and you make a spontaneous decision to get a haircut at a well-known hair salon for the […]
-
BAKUNA SA COVID, DAPAT ISAMA SA CURRICULUM
DAPAT umanong isingit sa curriculum ng mga estudyante ang kahalagahan at benepisyo ng bakuna sa Covid-19 upang well-informed ang publiko at mawala na rin ang kanilang pangamba sa nasabing pagbabakuna. Ayon kay Dr. Tony Leachon, Former Special Adviser National Task Force on Covid-19 sa isang press briefing ng National Press Club (NPC), sa loob ng […]