BAKUNA SA COVID, DAPAT ISAMA SA CURRICULUM
- Published on December 12, 2020
- by @peoplesbalita
DAPAT umanong isingit sa curriculum ng mga estudyante ang kahalagahan at benepisyo ng bakuna sa Covid-19 upang well-informed ang publiko at mawala na rin ang kanilang pangamba sa nasabing pagbabakuna.
Ayon kay Dr. Tony Leachon, Former Special Adviser National Task Force on Covid-19 sa isang press briefing ng National Press Club (NPC), sa loob ng pitong (7) buwan na magsisimula ngayong Disyembre hanggang sa maging available na ang bakuna lana sa Covid-19 ay dapat nang magkaroon ng pag-eeducate sa mga mag-aaral sa elementarya,highschool at maging sa kolehiyo.
Ayon pa kay Leachon, sa loob ng pitong buwan na ito ang gawin dapat aniya ng gobyerno , nang DOH, DepEd at lahat ng centers for education ay magkaroon ng massive media campaign.
“It think sa 7 months na yan mula ngayong December ang dapat gawin ng gobyerno natin bago ang pagbabakuna , the DOH, DepEd, ang all educations centers should have a massive campaign to educate the public on the risk benefits ratio ng bakuna” , ayon pa kay Leachon.
Bukod dito, ilagay din sa curriculum ng mga estudyante ang Covid information vaccination herd immunity .
Dapat din sama-sama ang medical community at tulongan ang DOH sa pagpapaliwanag ng kahalagahan ng bakuna sa publiko dahil aniya ang nagsasalita lamang ngayon tungkol dito ay ang DOH , Secretary Carlito Galvez at Presidential Spokesperson harry Roque..
Ito ay dahil nagkaroon na aniya ng hindi magandang karanasan sa bakuna ng Dengvaxia kaya naman wala nang tiwala ang publiko sa bakuna bukod pa sa anti vaccine movement at naglalabasang mga anti-vaxxers sa social media na nagbibigay ng maling impormasyon tungkol sa bakuna sa Covid-19.
“The only way na maibabalik ang economic recovery para magkaroon ng economic exchange right now is really to vaccinated” .
“We need to have multiple speakers to talk on the topic na tataas ang credibility nito,”, ayon pa kay Leachon.
Suhestyon din nito na dapat ang mga may karanasan sa medical ang dapat nagpapaliwanag nito sa tao dahil mas may karanasan aniya kung papaano gagawin at napo-project kung ano ang mangagayri sa bakuna o pagbabakuna.
“Kung may nagsasalita tapos hindi naman doctor, syempre ang hirap mag-explain nito sa tao kasi hindi niyo maintindihan not because hindi natin mine-menus ang kakayanan but this fix something medical na nagkaroon ka ng experience how to do it., and naproject mo na kung ano ang mangyayari dito.” dagdag pa nito. (GENE ADSUARA)
-
Ads October 11, 2022
-
‘Family Fued’, hindi pa rin mapataob: DINGDONG, hindi basta-basta papatol sa patama ni WILLIE
KILALANG hindi mapagpatol sa mga intriga ang Kapuso aktor Dingdong Dantes. Kung kaya inaasahang hindi sasagot si Dingdong sa mga pasaring ng TV host Willie Revillame. May mga binitiwan kasing mga patama si Willie kanyang programang ‘Wil to Win’ na obvious naman ay para sa katapat niya na ‘Family Feud’. […]
-
Stephen Loman kinagat ang hamon ni Andrade
Tumugon si Stephen Loman, isang bantamweight contender at dating Brave CF bantamweight champion, sa hamon ng bagong koronang ONE bantamweight world champion na si Fabricio Andrade kasunod ng kanyang panalo laban kay John Lineker noong Sabado sa Lumpinee Boxing Stadium sa Bangkok. Pinababa ni Andrade, 25, ang dating UFC fighter na si Lineker sa […]