• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SUSPEK SA PAGPATAY SA MAG-INA SA VALENZUELA, SINAMPAHAN NA NG KASO

DALAWANG bilang na kasong murder ang isinampa ng pulisya sa pangunahing suspek na pumaslang sa 6-taong batang lalaking may kapansanan at kanyang 43-anyos na ina kamakailan sa Valenzuela City.

 

 

Siniguro ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban na matatag at tatayo sa hukuman ang kasong isinampa nila laban kay Michael Francisco, 41 ng Obando, Bulacan dahil sapat aniya ang nakalap nilang mga ebidensiya, kabilang ang testimonya ng mga testigo, ang pag-amin ng suspek sa kanyang mga kaanak na nakapatay siya ng mag-ina kaya’t kailangan niyang magtago, pati na ang kuha sa CCTV camera kung saan nakita siyang sinusundan ang mag-ina nang umalis at bumalik sa kanilang tirahan.
Sa pahayag pa sa pulisya ng 13-anyos na anak na lalaki ng biktima, iniwan niya sa kanilang bahay ang suspek habang naroon ang kanyang ina at kapatid, bago siya pumasok sa paaralan.
Nadiskubre ang bangkay ng mag-ina ng isa pang anak na babae ng biktima alas-8:30 ng gabi noong Nobyembre 19, 2024 nang umuwi siya ng bahay mula sa pinapasukang paaralan.
Lumabas sa resulta ng autopsiya na nagtamo ng matitinding palo ng matigas na bagay sa kani-kanilang ulo ang mag-ina na dahilan ng agaran nilang pagkamatay.
Sinabi pa sa pulisya ng isa sa mga testigo na bago nangyari ang pagpaslang, pinilit pa ng suspek ang ginang na gumamit sila ng shabu na malinaw na sangkot din sa paggamit ng ilegal na droga ang salarin. (Richard Mesa)
Other News
  • Walang preno ang mga rebelasyon kay Korina… Chair LALA, nagselos noon kay CIARA at gusto ring mag-artista

    RAIN or shine, tuloy-tuloy ang umaatikabong chikahan with Korina Sanchez-Roxas sa newest episode ng ‘Korina Interviews’ na pinalabas last Sunday, July 28. Naka-one-on-one ng acclaimed broadcast journalist ang MTRCB Chairperson na si Lala Sotto sa isang in-depth interview about her life and career. Wala ngang preno si Chair Lala sa kanyang mga rebelasyon. True or […]

  • ‘Fan Girl’, humakot ng pitong awards sa ‘4th EDDYS’; PAULO at CHARLIE, tinanghal na Best Actor at Best Actress

    NAGING matagumpay ang star-studded virtual awards night ng ikaapat na edisyon ng The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).     Napanood ito sa FDCP Channel (www.fdcpchannel.ph) at iba pang online platforms kabilang na ang official Facebook page ng SPEEd noong Linggo nang gabi, Abril 4 na kung saan ang […]

  • SSS, nag-alok ng calamity loan, 3-month advance pension para sa mga miyembro

    BUBUKSAN ng Social Security System (SSS) ang dalawa nitong programa na naglalayong i-extend ang  financial assistance sa kanilang mga  miyembro at pensiyonado sa mga lugar na naapektuhan ng Super Typhoon Karding.     Ang dalawang programang ito ani SSS president and CEO Michael Regino ay ang  Calamity Loan Assistance Program (CLAP) para sa mga miyembro […]