• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SSS, nag-alok ng calamity loan, 3-month advance pension para sa mga miyembro

BUBUKSAN ng Social Security System (SSS) ang dalawa nitong programa na naglalayong i-extend ang  financial assistance sa kanilang mga  miyembro at pensiyonado sa mga lugar na naapektuhan ng Super Typhoon Karding.

 

 

Ang dalawang programang ito ani SSS president and CEO Michael Regino ay ang  Calamity Loan Assistance Program (CLAP) para sa mga miyembro at Three-Month Advance Pension for Social Security (SS) and Employees’ Compensation (EC)  para naman sa mga pensiyonado.

 

 

Sa ilalim ng CLAP,  maaaring mag-avail  ng loan ang mga miyembro  ng SSS katumbas ng average ng kanilang  huling 12 monthly salary credit o halaga na kanilang inaplay, kung saan mababa.

 

 

Para sa Three-Month Advance Pension, ang proceeds ay ibabase sa halaga ng  monthly pension ng mga pensiyonado.

 

 

“In response to the devastation brought about by Super Typhoon Karding, we will offer these two programs in the areas to be declared under a state of calamity by the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC),” ayon kay Regino.

 

 

“We are finalizing the guidelines for these programs, and we shall release them through our website and social media channels once available,” wika pa nito.

 

 

Dahil dito, hinikayat ni Regino ang mga miyembro ng SSS na mag-enroll sa  My.SSS Portal  ng  SSS website dahil ang aplikasyon para sa CLAP ay dadaan sa channel na ito.

 

 

Samantala, sa naging report pa ng NDRRMC, may  640,963 katao o 176,337 pamilya ang naapektuhan ng bagyong Karding sa  1,372 barangay sa  Ilocos, Cagayan, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, at Cordillera.

 

 

Sa apektadong populasyon, 25,177 katao o  6,435 pamilya ang nananatili sa loob ng  391 evacuation centers,  habang may 15,286 indibidwal  o 3,482 pamilya ang namamalagi sa ibang lugar.

 

 

Bukod pa sa, may kabuuang 23,151 pamilya o  91,169 katao ang ‘pre-emptively evacuated.’

 

 

“A total of 20,628 houses sustained damage—18,110 partially and 2,518 totally—in Ilocos, Cagayan, Central Luzon, and Cordillera due to Karding,” ayon sa NDRRMC. (Daris Jose)

Other News
  • JOHN LLOYD, inamin wala sa plano at ‘di pa handa nang dumating si ELIAS MODESTO

    ANG multi-awarded, box-office actor na si John Lloyd Cruz ang naging special guest ni Karen Davila sa kanyang kauna-unahang podcast.     Diretsahan tinanong si John Lloyd, ano ang ikina-pagod niya?     “I guess I got tired of fighting for the content that I want to see like on more commercial platforms.     […]

  • Unemployment rate bumaba sa 10% nang luwagan ang lockdown

    Milyun-milyong Pilipino ang nabawi ang kani-kanilang mga trabaho sa muling pagbubukas ng ekonomiya sa gitna ng pandemya dulot ng coronavirus disease (COVID-19) noong Hulyo, ayon sa bagong datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), Huwebes.   Lumalabas sa ulat ng gobyerno na 10% ng Pilipinong parte ng labor force, o mga taong naghahanap ng trabaho, ang […]

  • ROCCO, umamin na si MAX ang pinakamasarap na nakahalikan sa teleserye

    SA December na raw magkikita ulit ang buong Legaspi family kaya hindi mapigilan ni Carmina Villarroel na muling maging emotional sa kanyang recent post sa Instagram.   Nagsimula na kasi ng lock-in taping si Cassy Legaspi para sa second season ng First Yaya na First Lady na bida si Sanya Lopez at Gabby Concepcion.   […]