1 pang suspect sa Caloocan masaker, sumuko
- Published on October 12, 2020
- by @peoplesbalita
SUMUKO sa Caloocan City Police ang isa sa apat na suspek na sangkot sa pagmasaker sa dalawang nursing graduate at nursing student noong Setyembre 27.
Kinilala ni Caloocan City Police chief, Col. Dario Menor ang suspek na si Anselmo Singkol, 37, construction worker at tubong Samar.
Isang retiradong kaanak ang nagkumbinsi kay Anselmo na sumuko.
Matatandaang una nang nadakip ang mga kapatid ni Anselmo na sina Alden at Adonis na kapwa persons of interest sa karumal-dumal na krimen.
Ang magkakapatid ay pawang mga suspek sa pamamaslang kina Glydel Beloni, 23 at Mona Ismael Habibolla, 22, kapwa nursing graduate at estudyanteng si Arjay Belencio , 22.
Natagpuan ang tatlo na tadtad ng mga saksak sa katawan at naliligo sa ariling dugo sa loob ng kanilang ipinagagawang bahay sa Catmon St., Phase 1, Brgy. 179, Amparo Subd., Caloocan City.
Nawawala ang mga ATM at mahahalagang gamit ng mga biktima. Nahaharap ang mga suspek sa kasong murder. (Gene Adsuara)
-
PVL teams naghahanda na sa balik-ensayo
Naghahanda na ang mga teams sa Premier Volleyball League (PVL) sa pagbabalik training dahil inaasahang papayagan na ito ng Inter-Agency Task Force (IATF) matapos magpasyang maging professional league na ang liga. Base sa panuntunan ng IATF, tanging ang mga koponan lamang sa professional leagues ang pinahihintulutang makapagbalik sa ensayo sa ilalim ng mahigpit na […]
-
Fil-Am sprinter Kristina Knott nagpositibo sa COVID-19
Nagpositibo sa COVID-19 si Filipina-American sprinter Kristina Marie Knott. Ang nasabing anunsiyo ay kasabay ng anunsiyo na ito ay nag-qualified sa 2020 Tokyo Olympics. Sinabi ni Philip Ella Juico, pangul ng Philippine Athletics Track and Field Association na fully vaccinated na si Knott at siya ay asymptomatic. Kasalukuyan na […]
-
Bagong album ni Taylor Swift na “Evermore”, umani ng bonggang review mula sa Rolling Stone magazine
Thankful si Alfred Vargas na nagkaroon siya ng pelikula sa Metro Manila Film Festival. Una niyang MMFF entry ay ang Bridal Shower in 2004 na dinirek ni Jeffrey Jeturian at ang huli ay ang Banal in 2008 na dinirek ng the late Cesar Apolinario. Isang taon na raw natapos ang latest MMFF official […]