• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3,314 Bulakenyong estudyante, tumanggap ng pinansyal na ayuda mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan

Nagkaloob ng pinansyal na tulong ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno ni Gobernador Daniel R. Fernando sa pamamagitan ng Provincial Administrator’s Office para sa edukasyon ng 3,314 kuwalipikadong Bulakenyong estudyante.

 

“Sinisikap po natin na maipagkaloob ang tulong pinansiyal sa ating mga qualified at deserving na estudyante sa kabila ng kinakaharap natin na pandemya dahil batid po ng inyong lingkod na malaking tulong ito para matupad ang kanilang mga pangarap. Tulad ni Jose Rizal, naniniwala po ako na ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan,” ani Fernando.

 

Sa ilalim ng scholarship program na tinawag na ‘Tulong Pang-Edukasyon para sa Kabataang Bulakenyo’, nakapagpamahagi na ang PA’s Office ng pinansiyal na tulong sa mga benepisyaryo na naka-enroll sa mga pribadong unibersidad at kolehiyo gayundin sa mga estudyante na kumukuha ng masters degree.

 

Tumanggap ang may 3,092 na estudyante na naka-enroll sa pribadong unibersidad at kolehiyo ng tig-P3,500 habang tig-P5,000 naman ang naiuwi ng 209 na estudyante na kumkuha ng masteral. Gayundin, 13 estudyante na may academic awards ang pinagkalooban ng tig-P5,500 bawat isa.

 

Samantala, sinabi ni Catherine Innocencio, executive assistant III, na kasalukuyan pa rin silang namamahagi ng ayuda sa mga kuwalipikadong estudyante sa senior high school at sa mga naka-enroll sa state universities at colleges kabilang ang Bulacan Polytechnic College and Bulacan State University.

 

Aniya, simula Hunyo 16 ngayong taon, tuluy-tuloy ang pamamahagi nila ng tseke sa 300 benepisyaryo kada araw sa iba’t ibang lugar. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Pamahalaan handa sa posibleng PUV shortage sa Jan.

    NAGHAHANDA ang pamahalaan sa posibleng sinasabing kakulangan ng mga public utility jeepneys (PUJs) sa darating na January dahil ang ibang drivers at operators ay hindi lalahok sa consolidation na may deadline ng Dec. 31.       Dahil dito, ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay handa naman magbigay ng special permits at […]

  • Pormal na dayalogo sa isyu ng nurses shortage sa government hospitals, gawin

    HINIKAYAT  ng chairman ng House Committee on labor and employment ang pagsasagawa ng dayalogo upang matugunan ang kakulangan sa nurses sa mga government hospitals sa bansa.     Ayon kay Rizal Rep. Fidel Nograles, chairman ng komite na una dapat magsagawa muna  ng dayalogo at magbuo ng istratehiya para mabigyan ng long term solution ang […]

  • New Thriller ‘The Menu’ Will Take You To A Shocking Culinary Experience

    ENYER a shocking and grisly culinary experience like no other with Searchlight Pictures’ “The Menu” starring Anya Taylor-Joy, Nicholas Hoult, and Ralph Fiennes now showing in Philippine cinemas.     In “The Menu,” Margot (Anya Taylor-Joy) and Tyler (Nicholas Hoult) travel to a coastal island to eat at an exclusive restaurant where the chef (Ralph […]