Kobe Paras kinunsinte ng UP
- Published on July 9, 2020
- by @peoplesbalita
Wala umanong balak ang University of the Philippines (UP) na parusahan o pagsabihan ang kanilang star player na si Kobe Paras matapos masangkot sa 5-on-5 pickup game na tahasang pagsuway sa pinatutupad na general community quarantine (GCQ) protocols ng gobyerno kaugnay sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Perasol hindi niya inaasahan na pag-uusapan ang isyu sa online sessions ng Fighting Maroons kaugnay sa ginagawa nilang individual training.
Tanging magagawa lamang umano nito ay paalalahanan si Paras na unahin ang kanyang safety lalo na at may health crisis.
Matatandaang pinagalitan sina Gilas pool members Thirdy Ravena at Isaac Go ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), habang sina PBA players Japeth Aguilar at Adrian Wong ay pinagmulta at inatasang sumailalim sa COVID-19 tests dahil sa paglahok sa 5-on-5 game sa isang gym sa Greenhills.
Inalis na umano ang video sa Instagram, pero may mga litrato na nagpapakita na kasama ni Paras sina Wong, Ravena at iba pang manlalaro sa gym na lumalabag sa social distancing guidelines.
Kahit umano pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang professional basketball at football teams na magbalik sa ensayo, nanatiling bawal pa rin ang pickup games sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ.
Wala umanong rason para pagalitan si Paras kung si Perasol ang tatanungin.
“I know him as a very responsible person so I trust his judgment on whatever he decides to do,” ani Perasol. “If there’s a concern from me regarding that incident, it was all about his safety and not on him breaking any team rules.”
“It will probably come out in one of our conversations but I won’t ask about it. I may remind him to be more careful about his safety,” dagdag pa nito.
Isa si Paras sa mga sinasasandalan ng Maroons, kung saan may ikinamada itong average na 17.4 points, 5.7 rebounds, 1.9 assists, at 1.3 blocks sa Season 82, unang season nito sa UAAP
-
‘For approval’: 206 big ticket projects sa ilalim ng administrasyong Marcos, pinag-aaaralang mabuti ng NEDA
MAGLALABAS ang National Economic and Development Authority (NEDA) ng pinal na listahan ng major projects sa ilalim ng administrasyong Marcos sa pagtatapos ng first quarter ng 2023. Kasunod ito ng paunang pagpapalabas ng 7 “high-impact projects” ngayong linggo. Sinabi ni NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon, hinihimay mabuti at sinusuri ng socioeconomic planning […]
-
Nagkasakit na sa kasipagang mag-promote: VILMA, ‘di kalaban ang turing sa makatutunggali sa pagka-Best Actress
NAGKASAKIT na ang Star for all Season na si Vilma Santos sa kasipagan na rin siguro nito sa pagpo-promote ng kanilang MMFF movie na ‘When I Met You in Tokyo’ with Christopher de Leon, na under JG Productions, Inc. At talaga namang hahangaan si Ate Vi sa kasipagan niya. At kahit […]
-
28 jeepney routes muling binuksan
MAY mahigit na 1,100 public utility jeepney (PUJs) ang babalik sa kalsada upang pumasada at magkaron ng operasyon ngayon panahon ng pandemya ng mabigyan ng pagkakataon ang mga pasahero ng mas madaming masasakyan. Sa ilalim ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Memorandum Circular 20-046, may kabuohang 1,159 na traditional jeepneys na may […]