• September 10, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

28 jeepney routes muling binuksan

MAY mahigit na 1,100 public utility jeepney (PUJs) ang babalik sa kalsada upang pumasada at magkaron ng operasyon ngayon panahon ng pandemya ng mabigyan ng pagkakataon ang mga pasahero ng mas madaming masasakyan.

 

Sa ilalim ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Memorandum Circular 20-046, may kabuohang 1,159 na traditional jeepneys na may operasyon sa 28 routes ang babalik sa operasyon. “This brings the total number of available jeepney units for the commuting public to 17,372 along 206 routes,” wika ng LTFRB.

 

Ayon sa LTFRB, ang mga roadworthy na traditional jeepney units na may personal passenger insurance ang kanilang papayagan lamang na mag resume ng operasyon kahit na walang special permit.

 

Ang mga drivers at operators ay kinakailangan na mag down- load ng QR code website ng LTFRB na dapat nilang ilagay sa loob ng mga unit.

 

Mayroon din 786 na modern PUJs sa ilalim ng 45 na routes at 3,854 buses sa ilalim naman ng 32 na routes na dati pang binuksan ng LTFRB.

 

May available din na point-to-point na buses serving 34 routes at 1,905 UV Express units sa ilalim ng 59 na routes.

 

Samantala, may kabuohang 20,891 na taxi units at 23,968 an transport network vehicle services ang available na magbigay ng serbisyo sa mga pasahero.

 

Ilan lamang sa mga reopened na PUJ routes ay ang mga sumusuond:

 

1. T140 Araneta University –Victoneta Ave.?McArthur
2. T141SM North EDSA – Luzon Ave (Puregold)
3. T142 Balintawak –PUC via Baesa
4. T143 BF Homes – Novaliches
5. T144 Novaliches – Bignay
6. T145 Novaliches – Pangarap Village via Quirino Highway, Novaliches
7. T 146 Novaliches – Shelterville via Congressional
8. T147 Novaliches –Urduja
9. T148 Novaliches Town Proper – Barangay Deparo
10. T149 Grotto, San Jose del Monte, Bulacan – Novaliches
11. T240 Aurora/Lauan – EDSA
12. T241 Cubao – Proj. 2&3 via 20 th Avenue, P. Tuazon
13. T242 Calumpang – LRT 2 via Aurora Blvd.
14. T340 Bel-Air – Washington
15. T341 Brgy North Bay Boulevard – Pier South via Road 10
16. T342 Divisoria – Pier South via Del Pan

 

Mayroon pa rin na mga routes na binuksan din sa Manila, San Juan, Muntinlupa, Alabang, at Bicutan. (LASACMAR)

Other News
  • Higit 33K active COVID-19 cases wala sa ospital – DOH

    Hindi matatagpuan sa ospital ang 33,786 active cases ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), batay sa datos mula sa Department of Health (DOH) na ipinakita.   Katumbas nito ang nasa 93% active cases.   Base sa DOH Data Drop, 31,090 o 92 percent ng aktibong kaso ay mild; 2,551 ang asymptomatic; at 2,184 ang naka-confine sa […]

  • MMDA naghigpit sa mga distracted drivers

    TUTULUNGAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang police authorities sa pagpapatupad ng batas laban sa drunk and distracted driving.   Sinabi ni MMDA general manager Jojo Garcia na ang kanilang ahensya ay nagsanib sa Philippine Nation Police Highway Group (PNP) at Land Transportation Office (LTO) “in a one time, big time operation” laban sa […]

  • Price ceilings sa school supplies ipatupad

    PINAKIKILOS  ng isang mambabatas ang Department of Trade and Industry (DTI) upang imonitor at pigilan ang inaasahang pagtaas ng school supplies kaugnay ng full face-to-face classes sa taong ito.     Ayon kay 2nd District Quezon City Rep. Ralph Tulfo, dapat magpatupad ng price ceilings ang DTI sa presyo ng mga school supplies  sa halip […]