Mayoral bet Sara Discaya patuloy ang ayuda sa Pasigueño
- Published on December 7, 2024
- by @peoplesbalita
LIBRENG concert at tuluy-tuloy na ayuda ang handog ng Mayoral bet ng Pasig City na si Sara Discaya sa mga maralitang Pasigueños.
Tugon ito ni Discaya sa umano kampo ng kanyang makakalaban sa election matapos na tukuyin siyang nasa likod ng mga mapanirang balita laban kay Pasig City Mayor Vico Sotto.
“Wala kaming kinalaman at lalong wala kaming panahon sa mga isyung negatibo na ipinahihiwatig ng butihing alkalde na gawa namin… kasi abala kami sa pagbigay ng tulong sa kapus-palad nating kababayan… at kung paano natin sila mapasaya nitong Kapaskuhan,” ani Discaya.
Ani Discaya, kailanman ay hindi siya namigay ng milyong piso para manira ng kapwa at sa halip ay itinutulong na lamang niya sa mga taga-Pasig.
Hindi umano dapat na ikagalit ng alkalde ang pamimigay niya ng ayuda at tulong sa Pasigueño dahil iisa lamang ang kanilang hangarin na makapaglingkod.
Ani Discaya, kailanman ay hindi siya namigay ng milyong piso para manira ng kapwa at sa halip ay itinutulong na lamang niya sa mga taga-Pasig.
Hindi umano dapat na ikagalit ng alkalde ang pamimigay niya ng ayuda at tulong sa Pasigueño dahil iisa lamang ang kanilang hangarin na makapaglingkod.
Sa tala ng St. Gerrard Charity Foundation, libu-libong mga Pasigueño na ang nabiyayaan ng iba’t ibang ayuda gaya ng chairs, tables, kilo-kilong bigas at palugaw ng Kusina ni Ate Sarah bukod pa sa medical checkup, mga gamot at wheel chair. (ARA)
-
Direk ERIK, muling makakatrabaho si SHARON at may movie rin sila ni BEA
MARAMING bago at exciting na palabas ang dapat abangan sa UPSTREAM, ang pinakamalaking online streaming platform na ginawa ng mga Pilipino para sa mga Pilipino. Kabilang dito ay mga sure-fire box-office hits at mga originals, na ang ilan ay gawa ng multi-awarded at critically-acclaimed director na si Erik Matti. Ang Upstream Original, […]
-
MGA GYM, SPAS, INTERNET CAFES SARADO SA NAVOTAS
Nilagdaan ni Mayor Toby Tiangco ang Executive Order 054 Series of 2021 na nag-aatas sa pansamantalang pagpapasara ng mga gyms, spas, at internet cafes sa lungsod habang umiiral ang mahigpit na general community quarantine sa Metro Manila mula March 24 hanggang April 4, 2021, maliban kung ito’y pahabain. Alinsunod ito sa Metropolitan Manila […]
-
Problema sa industriya ng asukal, patuloy na pinaplantsa – PBBM
PATULOY na pinaplantsa ng pamahalaan ang problema sa industriya ng asukal. Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nang pangunahan nito ang pamamahagi ng government assistance sa Talisay city sa Negros Occidental. Sinabi ng Punong Ehekutibo, may kailangan pang ayusin na problema sa sugar industry na lubha aniyang napabayaan […]