• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Customs umalerto vs bagong ‘swine flu’

Mahigpit na nakabantay ngayon ang Bureau of Customs (BOC) sa mga borders ng bansa upang maiwasang makapasok ang ang mga kontaminadong karne ng baboy kaugnay ng bagong strain ng swine flu virus.

 

Ipinag-utos ni Customs Commissioner Rey Leo­nardo Guerrero sa lahat ng customs port officials na maging mapagbantay at masusing suriin ang mga dumarating na reefer containers na naglalaman ng karne ng baboy at iba pang produktong karne bago makapasok sa Pilipinas.

 

“The Bureau of Customs has been strictly monito­ring agricultural and other food items and ensuring that proper procedures are followed to guarantee the safety of the consumers and prevent the entry of food that may contain diseases,” ayon sa pahayag ng BOC.

 

Kabilang sa ipinatutupad na aksyon ng BOC ay ang pagsampa sa mga dumarating na barko ng kanilang mga tauhan at qua­rantine officers ng Bureau of Animal Industry (BAI), Bureau of Plant Industry (BPI), at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para magsagawa ng inspeksyon.

 

Matapos ang inisyal na eksaminasyon ng mga boarding officers, nilalagyan ang reefer container ng seal para naman sa 100 pors­yentong eksaminasyon ng National Meat Inspection Service sa storage warehouse.

 

Nagpalabas na rin ang BOC ng panuntunan para sa Electronic Tracking of Containerized Cargo System (E-TRACC System) na isang paraan sa pagsuri sa mga ‘reefer imporation’ sa iba’t ibang pantalan sa bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Aminadong magiging spoiler na lola: SYLVIA, super excited na sa pagdating ng kanilang ‘little Boss’

    SOBRANG excited na ang award-winning actress na si Sylvia Sanchez sa paglabas ng panganay na anak nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.       Aminado naman ang aktres na baka raw maging spoiler siyang lola.       Ibinahagi nga ni Ibyang sa kanyang social media accounts ang ilan sa kaganapan sa Hong Kong […]

  • Noontime Princess ng TV5, aarangkada na: MILES, ‘di apektado sa ‘joke’ ni JOEY dahil bawal ang pikon sa Dabarkads

    HINDI pa rin makapaniwala ang Noontime Princess ng TV5 na si Miles Ocampo kaya naluha-luha siya nang ipakilala bilang bida ng teleseryeng ‘Padyak Princess’, na mapapanood na simula ngayong Lunes, June 10.       Say pa ng award-winning actress, “Naiyak po talaga ako nung i-present sa akin. Sabi ko po kina direk Mike (Tuviera […]

  • Mahigit P1 bilyong piso sa educational aid, naipamahagi na

    PUMALO na sa mahigit P1 bilyong piso ang naipamigay ng  Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga  indigent learners.     May kabuuang P1,033,610,800 na education assistance ang naipamahagi sa bansa mula  Agosto  20 hanggang Setyembre  17, 2022.     Tinatayang may 414,482 estudyante ang nakinabang mula sa programa kabilang na ang 136,349 […]