• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Danish foreign minister Rasmussen, bibisita sa Pinas sa Dec. 9-10

INANUNSYO ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nakatakdang pagbisita sa Pilipinas ni Denmark’s Foreign Minister Lars Løkke Rasmussen sa December 9 hanggang 10, 2024.

 

 

Sinabi ng DFA na ang pagbisita ni Rasmussen sa bansa ay tanda ng unang pagkakataon na ang isang Danish foreign minister ay bibisita sa bansa sa loob ng 25 taon.

 

“The visit underscores the 78 years of Philippines-Denmark bilateral relations and the like-minded interest to forge even stronger partnerships in future-leading sectors,”ayon sa departamento.

 

“To promote closer bilateral relations between the Philippines and Denmark, the Foreign Minister’s meeting with Secretary for Foreign Affairs Enrique A. Manalo will focus on enhancing cooperation in areas such as trade and investments, maritime cooperation, green shipping, green transition, health, financial and development cooperation, and people-to-people links,” ang sinabi pa rin ng DFA.

 

Winika pa ng DFA na magpapalitan ng kani-kanilang pananaw at saloobin sina Manalo at Rasmussen ukol sa regional at international issues ng mutual concern, kaugnay sa shared commitment ng Pilipinas at Denmark para i- promote ang kapayapaan, katatagan at rules-based international order.

 

Bago pa ang pagbisita ni Rasmussen, nakiisa ang Danish Embassy sa Maynila sa European Union at iba pang bansa sa pagpapahayag sa kanilang pagkabahala sa agresyon ng Tsina sa West Philippine Sea (WPS).

 

May ilang bansa naman ang nagpahayag ng kanilang saloobin matapos na maglunsad ang Chinese Coast Guard (CCG) ng water cannon attacks at banggain ang Philippine civilian vessel sa bisinidad ng pinagtatalunang Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal).

 

“Deeply concerned at #China’s continued aggressive actions against Philippine vessels in the West Philippine Sea. China’s actions undermine the Law of the Seas, UNCLOS and maritime safety,” ang sinabi ni Denmark Ambassador Franz-Michael Skjold Mellbin sa isang post sa X ( dating Twitter).

 

Sa kabilang dako, sa usapin naman ng economic front, binawi na ng Pilipinas noong nakaraang buwan ang pagbabawal o ban sa pag-angkat ng domestic at wild birds kabilang na ang poultry products mula Denmark, makalipas ang halos dalawang taon matapos na ipatupad ang nasabing direktiba.

 

Binawi ang ban matapos na ipabatid ng Danish Veterinary and Food Administration sa World Organization for Animal Health na nalutas na ang lahat ng kaso ng highly pathogenic avian influenza sa European country at walang karagdagang paglaganap ang naiulat simula pa noong September 12, 2024. (Daris Jose)

Other News
  • Peralta, itinalaga ni PBBM bilang PNP OIC

    ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Lt. Gen. Emmanuel Peralta bilang officer-in-charge (OIC) ng Philippine National Police (PNP) kasunod ng pagreretiro ni Gen. Benjamin Acorda Jr.     “In the exigency of the service, and to ensure the continuous and effective delivery of service, please be informed that Police Lieutenant General Emmanuel Baloloy Peralta […]

  • No. 40 top most wanted person ng PRO 3, nabitag ng NPD sa Valenzuela

    NALAMBAT ng mga operatiba ng District Special Operations Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) ang isang lalaki na listed bilang No. 40 top most wanted ng PRO 3 sa kanyang tinitirhan sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.     Kinilala ni DSOU chief PLt. Col. Rommel Labalan ang naarestong akusado bilang si Bonifacio Clemente, 51, […]

  • Amir Khan ibinunyag nais ni coach Freddie Roach na pagharapin sila ni Pacquiao

    IBINUNYAG  ni dating boxing champion Amir Khan na tinawagan siya ni boxing coach Freddie Roach para magkaroon sila ng laban ni Manny Pacquiao.     Sinabi nito na isa sa mga kaibigan niya ang tinawagan ni Roach kung saan plano nitong magkaroon ng laban si Khan sa Filipino boxing champion.     Kapwa kasi nagsanay […]