• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DAGDAG na naman na BABAYARAN sa DRIVER’s STUDENT PERMIT

Mula sa Agosto 3 ay mandatory na sa mga kumukuha ng student permit para sa driving na mag undergo ng “at least 15 hours” na theoretical course mula sa mga LTO accredited driving schools o sa Drivers Education Centers ng LTO.

 

Ang paniwala ng LTO ay sa ganitong paraan “mas magiging disiplinado at courteous” ang mga drivers. Pero take note po – hindi ito libre. May bayad po! Mas maganda raw na may gastos para pagpahalagaan ng mga aplikante ang driver’s license nila.  Pero parang isa ulit itong sampol na pag hindi kaya ng gobyerno ay ipapasa sa pribadong sektor at pagkakitaan ang “solusyon” sa problema.

 

Marami naman kasi na nagkaka-lisensya na hilaw pa sa kaalaman sa pagmamaneho.  Pero teka, diba’t kahit may student license ay dadaan pa rin sa examination bago makakuha ng driver’s license? Kung hindi dapat pumasa ang isang aplikante ng lisensya eh bakit nakakakuha pa rin ng driver’s license?

 

Ang student permit ay hindi lisensya!  Kaya nga ‘student’ – para magaaral na makapagmaneho.  At talaga bang kailangan yung ‘15 hours’ theoretical mandatory course bago makakuha ng student permit?

 

Sigurado kayang walang mangyayaring magic na naman dito at basta mag-i-isue na lang ng certificate of completion?  Kung kailangan talaga na “kahit papaano” ay may alam na sa pagmamaneho ang isang kumukuha ng lisensya bakit hindi sa high school pa lang ay ma-integrate na ang driving lessons – wala pang gastos.

 

At kapag kukuha ka ng student permit at graduate ka na ng high school ay mas me alam ka na kaysa kukuha pa ng 15-hours theoretical course.  O kaya naman para wala nang gastos para sa mga nais magmaneho – maliban sa mga accredited driving schools ay mag-offer ang TESDA o mga LGU ng driving lessons.

 

Pa-accredit nila sa LTO at libre pa nila makukuha ang mandatory na 15-hours theoretical course.  Sana ay ma-konsidera ng LTO ito para naman yung mga hindi makakayanan ang enrollment fee sa mga accredited driving schools ay may pag-asa naman na makakuha ng lisensya sa ligal na paraan. (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Other News
  • Tatanggi sa COVID-19 testing sa Malabon huhulihin, kakasuhan

    Huhulihin at kakasuhan ang mga indibiduwal na tatanggi sa mass testing na ipinatutupad ng Malabon City.   Batay sa napagkasunduan ng Malabon City Task Force on the Management of Emerging Infectious Di­seases (MCTF-MEID) huhulihin at ikukulong ang mga ayaw magpa-test particular ang mga kasama sa contact tracing at natukoy ng mga Barangay Health Emergency Response Teams […]

  • Pumalag sa mga black propaganda… ZUBIRI, HANDANG MAGSAMPA NG KASONG CYBER LIBEL

    NAGBANTA si dating Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri na handa siyang magsampa ng kasong cyber libel sa mga influencer at vlogger na naglalabas ng fake news para ipinukol sa kanyang reputasyon at pangalan na matagal niyang inalagaan.       Isa-isa ngang sinagot ni Zubiri ang mga lumabas na black propaganda na nakapaloob sa […]

  • Masaya sa kabila ng pagod, sugat at pagbagsak: ASHLEY, dedicated ang serye sa parents nila na very supportive

    SA bahay lamang nag-stay si Sparkle GMA Artist Ashley Ortega during the Holy Week break from her taping ng “Hearts On Ice.”       Sinadya niyang huwag umalis ng bahay para makapahinga, hindi kasi biro ang mga eksena niyang ginawa lately sa serye, dahil pinaghandaan niya ang pagsabak niya sa competition.     IG post […]