Tatanggi sa COVID-19 testing sa Malabon huhulihin, kakasuhan
- Published on July 31, 2020
- by @peoplesbalita
Huhulihin at kakasuhan ang mga indibiduwal na tatanggi sa mass testing na ipinatutupad ng Malabon City.
Batay sa napagkasunduan ng Malabon City Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (MCTF-MEID) huhulihin at ikukulong ang mga ayaw magpa-test particular ang mga kasama sa contact tracing at natukoy ng mga Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs).
Ayon kay City Administrator at MCTF-MEID Member Atty. Voltaire dela Cruz, dalawang batas ang gagamitin upang istriktong ipatupad ang mass testing. Isa ay ‘Disobedience to a Person in Authority’ o pagsuway sa awtoridad sa ilalim ng Revised Penal Code.
Maaari ring kasuhan ang sinumang tatangging magpa-test ng ‘Non-cooperation’ ayon sa Republic Act No. 11332 o ‘Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act’.
Ani dela Cruz, kailangan na nilang higpitan ang implementasyon sa COVID testing upang malabanan ang pagkalat ng nasabing virus.
Sa ilalim ng mga nasabing batas, hindi maaaring tumangging makipag-tulungan sa mga kinauukulan ang mga taong natukoy na apektado ng sakit.
Aniya, hindi maaaring gamiting depensa ang “Data Privacy Act of 2012” upang tumangging magpa-test, dahil pinapayagan ng batas ang paggamit ng personal na impormasyon upang tugunan ang isang national emergency, sumunod sa mga pangangailangan ng kaayusan at kaligtasan, o tuparin ng awtoridad ang kanilang tungkulin.
Isa ang mass testing sa mga natukoy na epektibong gawin upang masugpo ang pagkalat ng COVID-19. Kasama nito ang contact tracing, isolation, at treatment. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Court finds Que’s alleged killer guilty of frustrated murder
FORMER Catanduanes Police Officer Vincent Tacorda, who initially confessed and later retracted his statement of killing 54-year-old Catanduanes-based newspaper publisher Larry Sy Que, was found guilty in a separate case of frustrated murder. In an 11-page verdict released on Friday, 14 February 2020, Virac Regional Trial Court (RTC) Branch 42 Presiding Judge Genie G. […]
-
Daphne Oseña-Paez bilang bagong ‘press briefer’
PINANGALANAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lifestyle TV host at entrepreneur na si Daphne Oseña-Paez bilang bagong “press briefer”. Pormal na pinangalanan ni Undersecretary Cheloy Garafil, officer-in-charge ng Office of the Press Secretary (OPS) si Oseña-Paez sa mga mamamahayag sa Palace press briefing, araw ng Martes. “Simula ngayong araw […]
-
Pinalakas pa ng Navotas City Hospital (NCH) ang kapasidad nitong magbigay ng libreng dialysis treatment
PARA mapalakas pa ang serbisyo sa mga nangangailangang pasyente, pinalakas pa ng Navotas City Hospital (NCH) ang kapasidad nitong magbigay ng libreng dialysis treatment, kasunod ng pagbabasbas ng walong bagong hemodialysis machine sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco, kasama si Vice Mayor Tito Sanchez at ang mga konsehal ng lungsod. (Richard Mesa)