• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, gusto ang mas mataas na service recognition incentive sa public school teachers

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Budget and Management (DBM) at Department of Education (DepEd) na pagtulungan na mabigyan ng mas mataas na Service Recognition Incentive (SRI) ang mga public school teacher.

 

 

 

Layon ng pamahalaan ayon sa Presidential Communications Office (PCO) na itaas ang SRI para sa 1,011,800 DepEd personnel mula sa kasalukuyang P18,000 hanggang P20,000.

 

 

 

Kapuwa inatasan ni Pangulong Marcos ang dalawang departamento na i-explore ang budgetary measures para igarantiya na ang karagdagan sa SRI para sa mga DepEd personnel ay maaaring ipatupad habang nananatiling alalahanin ang mga responsibilidad sa pananalapi.

 

 

 

Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ni Education Secretary Sonny Angara si Pangulong Marcos sa naging direktiba nito na kanyang inilarawan bilang “morale booster” para sa mga nagtuturo.

 

 

 

“This initiative underscores our shared goal of empowering teachers and reinforcing their critical role in shaping the future of Filipino learners,” ayon kay Angara.

 

 

 

Samantala, asahan na ang mas marami pang anunsyo ukol sa implementasyon at timeline para sa pagdaragdag sa SRI lalo pa’t isinasapinal na ng departamento ang kinakailangang funding mechanisms.

 

 

 

Ang SRI ay ‘yearly financial incentive’ na ipinagkakaloob sa mga empleyado ng gobyerno bilang pagkilala sa kanilang commitment at dedikasyon sa kalidad at agarang pagtugon sa serbisyo publiko. (Daris Jose)

Other News
  • Nakagugulat ang pagiging daring: JULIA, game na game na nakipag-laplapan kay DIEGO

    KUNG pamilyar ang sino man sa hallway ng ABS-CBN, tila ganito ang ginawa ng TV5, Mediaquest sa bago nilang mga Kapatid na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon at ang mga legits dabarkads.       Nang magkaroon nang contract signing ang mga ito kasama si M.V.P. (Manny V. Pangilinan) at iba […]

  • Pacquiao-Crawford fight pang-drumbeat sa FIFA World Cup

    Sakaling maikasa ang laban, planong dalhin ang mega fight sa pagitan nina Manny Pacquiao at Te­rence Crawford sa Doha, Qatar bilang bahagi ng drumbeating para sa 2022 FIFA World Cup.   Ayon kay Top Rank Promotions chief Bob Arum, nakikipag-ugnayan na ito sa ilang matataas na opisyales ng Qatar upang maikasa ang Pacquiao-Crawford fight.   […]

  • PhilSys data, ligtas sa ilalim ng authentication program

    IPINAGPAPATULOY ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang “wide-reaching and intensive information” at education campaign para matamo ang  inclusive digital economy sa ilalim ng Philippine Identification System (PhilSys) project sa panahon ng administrasyong Marcos.     Layon ng PhilSys na magtatag ng single national ID para sa mga mamamayang Filipino at resident aliens.     Ang […]