• March 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacquiao-Crawford fight pang-drumbeat sa FIFA World Cup

Sakaling maikasa ang laban, planong dalhin ang mega fight sa pagitan nina Manny Pacquiao at Te­rence Crawford sa Doha, Qatar bilang bahagi ng drumbeating para sa 2022 FIFA World Cup.

 

Ayon kay Top Rank Promotions chief Bob Arum, nakikipag-ugnayan na ito sa ilang matataas na opisyales ng Qatar upang maikasa ang Pacquiao-Crawford fight.

 

Kabilang na sa mga kinakausap ni Arum ang chief organizer ng 2022 FIFA World Cup na si Hassan Al-Thawadi na tinukoy nitong malaki ang interes sa boksing partikular na kina Pacquiao at Crawford.

 

“He’s a big fight fan. He really is very enthusiastic,” ani Arum.

 

Naghahanda ang Qatar sa pinakamalaking torneong iho-host nito — ang FIFA World Cup na dadaluhan ng world-class football teams sa buong mundo.

 

Itinuturing itong kalebel ng Olympic Games dahil ang football ang pinakapopular na sport sa buong mundo.

 

Kaya naman ginagawa ng Qatar ang lahat upang maging matagumpay ang FIFA World Cup na idina­daos lamang tuwing kada apat na taon.

 

At isa ang Pacquiao-Crawford fight sa mga nakikitang posibleng makatulong sa pag-iingay para sa FIFA World Cup.

Other News
  • Speaker Romualdez, DSWD, lokal na opisyal namahagi ng P140-M cash aid sa 30K Davaoeños

    NAGKAKAHALAGA ng P139.81 milyon ang cash assistance na naipamahagi sa 29,906 benepisyaryo sa Davao City, Davao de Oro at Davao del Norte sa apat na araw na payout ng Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP), isang flagship welfare program ni Pangulong Bongbong Marcos.     Ang pamimigay ng ayuda ay pinangunahan ni Speaker […]

  • DA, magtatakda ng ‘maximum SRP’ system para sa bigas bago matapos ang Enero

    NAKATAKDANG magtakda ang Department of Agriculture (DA) ng “maximum suggested retail price (SRP) system” bago matapos ang buwan. Layon nito na tugunan ang hindi makatwiran na retail prices ng bigas sa ilang lokal na pamilihan. Sinabi Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na wala dapat na imported rice na maipagbibili sa P60 per kg. “We […]

  • JEAN, sunud-sunod ang IG post na patama sa manugang na si ALWYN at na kay JENNICA kung makikipagbalikan pa

    MAGKASUNOD na Instagram post ang pinakawalan ni Jean Garcia.     Wala man itong direktang tinag o minention ngayon, pero dahil nauna na ngang nagsalita siya at nag-post sa pagka-disgusto sa ginawa at tila pambabalewala sa kanya ng manugang, madaling i-assume na patama pa rin kay Alwyn Uytingco ang magkasunod na post niya.     […]