• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Valenzuela, nasungkit ang pangalawang Seal of Good Local Governance

MULING nag-uwi ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian ng pinakaaasam na Seal of Good Local Governance mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) sa ginanap na awarding ceremony sa Manila Hotel.

 

 

 

Ang Valenzuela ay isa sa 14 na Lungsod sa National Capital Region, at isa sa 96 na lungsod sa buong Pilipinas na kinilala sa pagpasa sa “All-in” assessment approach ng sampung (10) governance areas, katulad ng Financial Administration and Sustainability; Disaster Preparedness; Social Protection and Sensitivity; Health Compliance and Responsiveness; Sustainable Education; BusinessFriendliness and Competitiveness; Safety, Peace and Order; Environmental Management; Tourism, Heritage Development, Culture and Arts; and Youth Development.

 

 

 

Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang kanyang mainit na pagbati sa mga awardees, “Congratulations sa lahat ng awardees. Make this a symbol that you ran a good government – you ran a clean government and an effective government.” aniya.

 

 

 

Bilang isa sa mga awardees, ang Valenzuela ay mag-uuwi ng prestihiyosong SGLG marker kasama ang SGLG Incentive Fund na PhP 2 Million para sa antas ng lungsod upang tustusan ang mga high-impact local development projects na sumusuporta sa sampung lugar ng pamamahala.

 

 

 

Kinilala naman ni Mayor WES Gatchalian ang lahat ng mga department head at mga empleyado ng city hall na nagsumikap hindi lamang para makuha ang selyo kundi palaging ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya upang mapagsilbihan ang mga Valenzuelano.

 

 

 

Ang pagkilalang ito ay isang patunay ng dedikasyon ng Pamahalaang Lungsod sa paghahatid at pagtataguyod ng mabuting pamamahala, integridad, at namumukod-tanging serbisyo publiko sa lahat ng oras para sa bawat Pamilyang Valenzuelano. (Richard Mesa)

Other News
  • Philippine rowers suportado ng PSC

    Bukod sa tulong-pinansiyal ay suportado rin ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mental health ng mga national rowers na tatarget ng Olympic Games berth sa Tokyo, Japan.     Ang Medical Scientific Athletes Services (MSAS) units ng PSC ang nagpapatibay sa pag-iisip ng five man-national rowing team na sasagwan sa 2021 World Rowing Asian-Oceanian Olympic […]

  • 60-anyos retirement age sa DepEd employees, isinulong

    PARA masuportahan ang pamahalaan sa plano na i-streamline ang burukrasya, isinusulong ni Sen. Chiz Escudero ang panukalang gawing mandatory ang ­pagreretiro ng mga kawani ng Department of Education (DepEd) sa edad na 60-anyos mula sa kasalukuyang 65 taong gulang.     Sa Senate Bill no. 58 o ang New Department Retirement Act na inihain ni […]

  • Classroom shortage, top priority dapat ng –DepEd

    NAIS ng mga nakakaraming Filipino na unahin at resolbahin ng Department of Education (DepEd) ang kakulangan sa mga silid-aralan.     Base sa survey na isinagawa ng Pulse Asia noong Setyembre 17-21,2022, tinanong ang 1,200 respondents kung alin sa mga nakalistang isyu ang dapat aksyunan.     Nasa 52% ang tumukoy sa kakulangan ng silid […]