PBBM, maaaring payagan ang rice imports sa mas mababang tariff rate sa ilalim ng bagong Agri law
- Published on December 11, 2024
- by @peoplesbalita
MALAKI ang posibilidad na payagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pag-angkat ng bigas sa mas mababang
Ini-apply na tariff rate sa panahon ng anumang nalalapit o hinuhulaang kakapusan o anumang sitwasyon na nangangailangan ng interbensyon ng gobyerno.
Ito ang nakapaloob sa Republic Act No. 120278 o Amendments to Agricultural Tariffication Act.
Ayon sa Seksyon 9 ng bagong batas, nagsasaad ng kapangyarihan ng Pangulo, ipinahihiwatig na sa bawat kaso ng pambihirang pagbagsak sa local rice prices, maaaring suspendihin ng Pangulo ang rice imports para sa limitadong panahon at/ o dami hanggang ang suplay ng bigas at presyo ay maging matatag.
”Such order shall take effect immediately and can only be issued when Congress is not in session,” ang nakasaad sa batas.
Sinasabing, pinalawak ng bagong batas ang buhay ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) hanggang 2031. Ang pondo ay huhugutin mula sa taripa na makokolekta mula sa rice importation.
Idagdag pa, ang pagtaas sa annual allocation sa RCEF ay magsisimula mula sa kasalukuyang P10 billion hanggang P30 billion hanggang sa 2031.
Sinabi pa ng Pangulo na sa pamamagitan ng RCEF, nagawa ng bansa na mag-invest sa ‘high-quality seeds, mechanization, at pagsasanay ng mga lokal na magsasaka, isang hakbang na magga-garantiya na may taglay ang mga ito ng tamang kasanayan at gamit para itaas ang productivity.
”With the expiration of the original six-year plan for RCEF fast approaching, it became clear that we needed to extend and strengthen the program. And this is where this law comes in, extending the program to 2031, and significantly increasing its funding from the original P10 billion to P30 billion annually,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati sa ceremonial signing.
Samantala, palalakasin din ng bagong batas ang regulatory functions ng Department of Agriculture (DA) sa pamamagitan ng paglikha at pagpapanatili ng database para i-monitor ang rice reserves ng bansa. (Daris Jose)
-
Amit at Centeno tatako sa 30th Kamui Women’s World 9-Ball
PUNTIRYA nina Philippine pool queens Rubilen Amit at Chezka Centeno na tuldukan ang pagkauhaw ng bansa sa titulo pagsabak sa 30th Kamui Women’s World 9-Ball Championship sa Jan. 19-22 sa Atlantic City, New Jersey. Umalis sina Amit, 41, ng Cebu, at Centeno, 23, ng Zamboanga para sa isang misyong makopo ang unang kampeonato ng […]
-
Pamamahagi ng ayuda mula sa pamahalaan, extended ng hanggang May 15-Sec. Roque
BINIGYAN ng pamahalaan ang local authorities ng mas maraming oras para maipamahagi ang ayuda na nakalaan sa 22.9 million low income para makaagapay sa pinahigpit na COVID-19 restrictions. “In-extend ang deadline na makumpleto ang pamamahagi ng financial assistance hanggang a-15 ng Mayo 2021,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. “Some local governments appealed […]
-
17-anyos football player ng Miriam College, namatay dahil sa COVID-19
Patay matapos dapuan ng coronavirus ang 17-anyos na football player ng Miriam College na si Yana Bautista. Kinumpirma ito ng kaniyang kapatid na miyembro ng Philippnie women’s national football team. Sinabi nito na unang nadiagnosed ito ng Acute Disseminated Encephalomyelitis (ADEM) hanggang nagkaroon ng kumplikasyon sa COVID-19. Agad itong dinala sa intensive […]