• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahigit sa 400 umano’y recipients sa listahan ng mga benepisyaryo ng confidential funds walang record sa PSA

MAHIGIT sa 400 umano’y recipients sa listahan ng mga benepisaryo ng confidential funds na ipinamahagi

 

 

 

Department of Education (DepEd) na pinamumunuan noon ni Vice President Sara Duterte ay walang birth records, ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).

 

 

inihayag ito ni Manila Rep. Joel Chua, chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability, sa isinagawang committee hearing nitong lunes.

 

 

Nasa 405 sa 667 pangalan na isinumite para sa verification ay walang birth records.

 

 

“Tayo po ay sumulat upang isumite ang 677 pang pangalan na nakalagay sa acknowledgment receipts (ARs) ng DepEd kung saan tayo po ay binigyan ng tugon ng [PSA], dated December 8, 2024,” ani Chua.

 

 

“At dito, kanila pong sinasabi na out of 677 individuals, 405 ay walang birth certificate o walang record of birth o pwede nating sabihin na non-existent,” dagdag nito.

 

 

ayon sa panel, ang PSA report, na nilagdaan ni National Statistician and Civil Registrar General Claire Dennis Mapa, lumalabas na 445 individuals ay wala ring marriage certificates, habang 508 ang walang no death certificates.

 

 

lumilitaw din na ang iba pang indibidwal na isinailalim sa verification ay may isa o mahigit pa na matching records sa civil registry.

 

 

ang findings ng PSA ay bilang tugon sa kahilingan ng komite na nagsasagawa ng imbestigasyon sa naging disbursement ng P612.5 million na confidential funds—P500 million mula sa Office of the Vice President (OVP) at P112.5 million mula sa DepEd—na napa ulat na ginamit sa pagitan ng 2022 at 2023. (Vina de Guzman)

Other News
  • COVID-19 emergency loan program, muling binuksan ng GSIS sa mga members

    BINUKSAN ngayong araw ng Government Service Insurance System (GSIS) ang COVID-19 Emergency Loan program para sa mga miyembro at mga pensioners.   Ayon sa GSIS ang loan program ay hanggang Dec. 27 ng taong kasalukuyan.   Ang muling pagbubukas ng GSIS ng pautang ay matapos na pirmahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 1021 […]

  • DOTr nilinaw na walang budget para sa Libreng Sakay sa taong 2023

    NILINAW  ni Transportation Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Marke Steven Pastor na hindi nakatanggap ng alokasyon sa 2023 budget ng ahensya ang pagpapatuloy ng programa ng Department of Transportation (DOTr) na magbigay ng libreng sakay sa mga commuter sa susunod na taon at magbigay ng insentibo sa mga driver at operator ng public utility […]

  • Paramount officially delays ‘Mission: Impossible 7′ to September 2022, ‘Top Gun: Maverick’ to May 2022.

    THE Mission: Impossible 7 release date has been delayed to September 2022.     Beginning production in early 2020, the upcoming action sequel has been one of the many Hollywood projects greatly impacted by the ongoing COVID-19 pandemic. Filming has been shut down multiple times, prompting studio Paramount to sue Mission: Impossible 7’s insurance company.     The movie has […]