• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mas matinding pagsabog ng Bulkang Kanlaon asahan — Phivolcs

PINAYUHAN ng Phi­lippine Institute of Volcanology and Seislology (Phivolcs) ang mga residenteng nakatira malapit sa Bulkang Kanlaon sa Negros na maghanda at lumikas sa mas ligtas na lugar sa mga susunod na araw.

 

 

 

Ito ay dahil sa inaasahang mas matinding pagsabog na maganap sa bulkan sa susunod na mga linggo.

 

Ayon kay Phivolcs Chief Teresito Bacolcol, nasa alert level 3 na ang Kanlaon na nangangahulugan ng pagkakaroon ng magmatic unrest at maaaring magkaroon ng matinding pagsabog.

 

 

“Pinapayuhan natin ang ating mga residente na huwag munang pumasok sa six-kilometer danger zone. Kahapon, it was an explosion, a strong explosion kahapon ang nangyari,” sabi ni Bacolcol.

 

Anya, kinakitaan ng magma ang bulkan hindi tulad ng nagdaang aktibidad na may steaming at may kasamang abo lamang.

 

 

“When we talk about magmatic eruption, this is magma na lumalabas at nagkaroon ng lava. Pero so far, hindi pa po natin nakikita ‘yan ngayon sa Kanlaon Volcano,” sabi pa ni Bacolcol.

 

 

Kasabay nito, pinag­hahandaan na ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Chairman at Defense Secretary Gilbert Teodoro ang posibilidad na itaas sa alert level 4 ang Kanlaon.

 

Nabatid na tatlong Linggo ang gagawin obserbasyon sa pag-aalboroto ng Kanlaon at ina­asahan nilang posibleng lumala ang sitwasyon o iakyat sa alert level 4.

 

 

Sakaling hindi tumigil ang pag-alburoto, palalawakin pa sa 10 km radius ang danger zone sa pali­gid nito na nangangahulugan na kailangan nang ilikas ang mga residente.

 

 

Nitong Lunes ay nagkaroon ng pagsabog ang Kanlaon na may 3 minuto at 55 segundo ang haba.

 

 

Mayroon ding pyroclastic density current na naitala sa bulkan at napaka destructive nito na maaaring masunog ang anumang bagay na daluyan nito. (Daris Jose)

Other News
  • Filipino Jonathan Eusebio Directs Stunts in R-Rated Holiday Action-Comedy “Violent Night”

    CHRISTMAS is back in action this year as Santa’s been trained to fight by Filipino stunt director John Eusebio in the upcoming action-comedy “Violent Night”.   From 87North’s Kelly McCormick and David Leitch, producers of bare-knuckle hit films such as Bullet Train, Nobody, John Wick, Atomic Blonde, Deadpool 2 and Fast & Furious Presents: Hobbs […]

  • Pinas, patuloy na nakikipag-ugnayan sa foreign govts

    PATULOY na nakikipag-ugnayan ang Pilipinas sa foreign governments para masiguro na protektado ang mga Filipino seafarer lalo na sa Red Sea.     Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni DFA Undersecretary for Migration Eduardo Jose de Vega na kinikilala nito ang naging pahayag ng United Nation Security Council na kinokondena ang ginawang pag-atake sa […]

  • Meralco wala munang disconnection sa NCR, Laguna

    Sinuspinde muna ng Manila Electric Company (Meralco) ang kanilang disconnection activities sa Laguna at National Capital Region (NCR) sa ilang piling petsa ngayong Agosto.     Ito’y kasunod na rin nang pagsasailalim ng pamahalaan sa mga naturang lugar sa mas istriktong community quarantines dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 nitong mga nakalipas na […]