Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas, nanawagan para sa hustisya at pananagutan sa mga biktima ng extrajudicial killings
- Published on December 12, 2024
- by @peoplesbalita
KASABAY ng selebrasyon ng International Human Rights Day, muling nanawagan si Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas para sa hustisya at pananagutan sa mga biktima ng extrajudicial killings sa ilalim ng war on drugs ng nagdaang administrasyon.
Hinikayat din nito ang administrasyong Marcos na itigil ang pagtanggi sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC).
“Marami pa ring pamilya ang naghahangad ng hustisya mula sa extrajudicial killings dulot ng giyera kontra-droga. Hindi maaaring pagtakpan ang libu-libong pagpatay at paglabag sa karapatang pantao na nangyari sa ilalim ng dating administrasyong Duterte,” ani Brosas.
ayon pa sa mambabatas, patuloy pa ring mailap ang hustisya sa mga bijtima, lalo na sa mga kababaihan at bata na na ulila ng madugong kampanya.
“Hindi sapat ang puro committee hearing lang. The Marcos Jr. administration must stop blocking the International Criminal Court’s investigation. To restore justice and dignity to the grieving families—wives, mothers, sisters, and children—the Philippines must cooperate with the ICC and hold all perpetrators accountable,” giit nito.
Ngayong Human Rights Day, kaisa ang Gabriela Women’s Party sa pamilya ng mga biktima ng EJK at sa paghahanap ng hustisya at katotohanan.
Umapela rin ito kay Duterte at sa lahat ng sangkot na kaharapin at panagutan ang naging crimes against humanity ng mga ito.
“The fight for human rights is the fight for our collective humanity. Walang hustisya kung walang pananagutan,” pagtatapos ni Brosas. (Vina de Guzman)
-
3 timbog sa P1 milyon shabu sa Caloocan at Valenzuela
MAHIGIT sa P1 milyon halaga ng illegal na droga ang nasamsam ng mga awtoridad sa tatlong hinihinalang drug pushers matapos maaresto sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation sa Caloocan at Valenzuela Cities. Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, ang pagkakaaresto kay Jonell Chavez alyas “Kokoy”, 50, (pusher) ay resulta ng […]
-
First appearance ni SHARON sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’, inabangan at nasilayan na bilang Aurora
NOONG Biyernes, November 26, ang unang araw ng paglabas ni Megastar Sharon Cuneta sa FPJ’s Ang Probinsyano. Si Sharon mismo ay nag-share ng teaser sa kanyang FB page kung saan ipinahayag niya na lalabas na siya sa highly-popular action series ni Coco Martin. Ang ‘very special participation’ ni Sharon ay ang isa […]
-
3 kalaboso sa P1.5 milyon shabu sa Caloocan
KULONG ang tatlong hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng mahigit P1.5 milyon halaga ng shabu nang tangkain takasan ang mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita habang sakay ng dalawang motorsiklo sa Caloocan City. Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang naarestong mga suspek na sina Jeffrey Filiciano, 43, Regie […]