• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Man in black’ sa CCTV footage ng Jolo shooting, iniimbestigahan na ng NBI

Kwestiyonable ngayon ang nasaksihan sa CCTV footage na umano’y may ‘man in black’ na gumalaw sa katawan ng isang sundalong napatay sa pamamaril sa Jolo, Sulu.

 

Sa ulat, iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang naturang CCTV footage ng insidente.

 

Makikita sa video ang lalaking nakaitim na nakasuot ng sumblero na tila may inilagay siyang kung ano sa bangkay at inililipat ang pwesto ng kinabagsakan nito.

 

Nakita rin na binuksan niya ang SUV ng sundalo na umano’y may ginagalaw sa loob bago may ilagay sa kanyang bag.

 

Sa ulat ay isa sa apat na sundalong nasawi ay nasa loob ng SUV.

 

Kasalukuyan pa ngayong tinitingnan ang bawat anggulo ng footage at tinagurian din ng mga militar na ‘rubout’ ang insidente. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Vax to the Max’: Galvez, target na alisin na ang priority list sa COVID-19 vaccination

    KINUKUNSIDERA na ni Secretary Carito Galvez Jr., vaccine czar at chief implementer of the National Task Force (NTF) Against the Coronavirus Disease (COVID-19), ang pag-alis sa  “priorities” sa vaccination program upang bigyang daan ang pagbabakuna sa lahat ng mga indibiduwal  na handa at payag na  magpabakuna.     Ani Galvez, nakausap na ng  NTF ang […]

  • ABS-CBN umamin na may pagkakamali

    Noong Huwebes, Pebrero 20 ay naglabas ng pahayag ang presidente at CEO ng ABS-CBN na si Carlo Katigbak.   Sa kanyang statement, nagpasalamat si Katigbak, na bilang isa sa 11,000 empleyado ng ABS-CBN, ay nabigyan siya ng pagkakataon na makapaglingkod sa mga Pilipino.   Aniya, darating din daw ang araw na magkakaroon sila ng pagkakataon […]

  • Pacquiao kay Magsayo ; ‘Welcome to the Club’

    NANGUNA si dating Filipino boxing champion at ngayon ay Senator Manny Pacquiao sa mga bumati kay WBC world featherweight champion Mark ‘Magnifico’ Magsayo.     Sa kanyang social media account, binati nito ang 26-anyos na si Magsayo at sinabing “Welcome to the Club”.     Dagdag pa ng senador na labis na ipinagmamalaki ng bansa […]