ABS-CBN umamin na may pagkakamali
- Published on February 22, 2020
- by @peoplesbalita
Noong Huwebes, Pebrero 20 ay naglabas ng pahayag ang presidente at CEO ng ABS-CBN na si Carlo Katigbak.
Sa kanyang statement, nagpasalamat si Katigbak, na bilang isa sa 11,000 empleyado ng ABS-CBN, ay nabigyan siya ng pagkakataon na makapaglingkod sa mga Pilipino.
Aniya, darating din daw ang araw na magkakaroon sila ng pagkakataon na linawin ang mga isyu tungkol sa kanilang prangkisa.
Sa kabila na wala silang nakikitang balakid para hindi patuloy na makapaglingkod ang ABS-CBN ay susunod sila sa anumang proseso na dapat nilang pagdaanan, ayon sa batas.
Inamin niyang serbisyo man ang layunin ng Kapamilya Network ay hindi sila perpekto at nagkakamali rin.
Handa silang itama ang anumang pagkukulang nila.
“Serbisyo po ang layunin ng ABS-CBN. Ngunit kami po ay hindi perpekto. Nagkakamali din po kami at handa po naming itama ang anumang pagkukulang. Kasama ito sa proseso ng pagiging isang mas matatag na kumpanya,” bahagi ng pahayag ni Katigbak.
Naniniwala naman sila sa mga mambabatas na bibigyan sila ng pagkakataong sagutin ang mga katanungan ng mga mamamayan at umaasang makikita ng mga ito ang kabutihang naidulot ng ABS-CBN sa bawat pamilyang Pilipino.
Siniguro naman niya sa mga kapwa niya empleyado sa ABS-CBN na nangangambang mawalan ng trabaho, na gagawin nila ang lahat para matuloy ang serbisyo ng ABS-CBN.
Nagpasalamat din siya sa mga nagpahayag ng suporta sa ABS-CBN, na aniya’y nagbibigay sa kanila ng tibay at lakas ng loob.
“Asahan niyo po na ipaglalaban namin ang pagkakataong ituloy ang serbisyo sa inyo. Sa mga darating na araw, hinihingi po namin ang inyong panalangin na magtutuloy ang ating pagsasama. Sa ABS-CBN po, naniniwala kami na Family is Forever,” dagdag pa niya.
-
Geisler, PTA mag-ayos na
PINATALSIK ng Philippine Taekwondo Association si two-time Olympian Donald David ‘Donnie’ von Geisler III bilang kasapi at dineklara ring persona non grata ni PTA chairman Dr. Manolo Gabriel. “All rights and privileges granted to him as a PTA member has been deemed forfeited and terminated; Declared Persona Non Grata,” pahayag ng opisyal nitong Lunes. […]
-
Petecio hindi magreretiro at planong sumabak pa sa Olympics
WALA pang planong magretiro sa pagsali sa Olympics si two-time Olympic medalist Nesthy Petecio. Sinabi nito na tila nabitin ito noong sumabak sa Paris Olympics kung saan nag-uwi siya ng bronze medals. Dagdag pa nito na marami pa itong pagdarananan na mga qualifiers para matiyak ang muling pagsabak sa Olympics. […]
-
Robredo, Moreno walang kuwestiyon sa COC
POSIBLENG anumang oras ngayon ay maiproklama na sina presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at kanyang running mate na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio bilang bagong pangulo at ikalawang pangulo ng bansa. Sinabi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, na dahil sa manifestation ng mga abogado nina Vice President Leni Robredo […]