• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

World Bank, inaasahan ang 6% average growth para sa ekonomiya ng Pinas sa 2024-2026

INAASAHAN ng multilateral lender World Bank na lalago ang ekonomiya ng Pilipinas sa average na 6% sa panahon ng 2024 hanggang 2026.

 

 

Sa ipinalabas na Philippines Economic Update (PEU), sinabi ng World Bank na ang pananaw nito para sa ekonomiya ay “hinges on the country’s ability to rein in inflation, implement a more supportive monetary policy to foster business growth, and sustain government spending on infrastructure to stimulate economic activity, while safeguarding against the increased global policy uncertainty.”

 

“Strong growth puts the country on a firmer footing to maintain gains in poverty reduction,” ang sinabi ni Zafer Mustafaoglu, World Bank country director para sa Pilipinas, Malaysia, at Brunei Darussalam.

 

“The (Philippines) remains vulnerable to extreme weather events such as typhoons and heavy monsoon rains. Therefore, it is important to sustain proactive measures to protect poor and vulnerable households,”ang sinabi naman ni Mustafaoglu.

 

Para sa 2024 lamang, inaasahan ng World Bank na lalago ang ekonomiya ng 5.9%, mababa sa nauna nitong pagpapalagay na 6% noong October, kinokonsidera ang mas mabagal na paglago na nakita sa third quarter ng taon.

 

Sa third quarter, ang ekonomiya sa naging pagsusukat ng gross domestic product (GDP) —kabuuang halaga ng kalakal at serbisyo na pinrodus (produce) sa nasabing panahon, lumago ng 5.2%, araw ng Huwebes, mas mabagal kaysa sa 6.4% na paglago sa second quarter.

 

Sinabi pa ng World Bank na “several typhoons have affected millions of people, destroyed crops and property, damaged infrastructure, and disrupted economic activity, particularly in tourism and construction.”

 

Idinagdag pa ng world Bank na ang Philippine economy ay inaasahan na makababawi sa 2025 sa rate na 6.1% at 6% sa 2026.

 

Winika ng World Bank na ‘robust growth is expected to boost poverty reduction due to improvements in household incomes, strong job creation, and continuing economic recovery.’

 

Samantala, sinabi naman ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na ang bansa ay “good chance” na makamit ang upper middle-income country status sa 2025 at maging ang tamaan ang layunin na bawasan ang poverty incidence sa single-digit pagsapit naman ng 2028. (Daris Jose)

Other News
  • Anthony Joshua pinabagsak ni Dubois sa Heavyweight match

    PINABAGSAK ni Daneil Dubois sa loob ng ikalimang round ang kapwa British boxer na si Anthony Joshua.     Dahil dito ay pinatunayan ni Dubois na hindi siya maituturing na accidental heavyweight boxer sa laban na ginanap sa Wembley Stadium.     Noong nakaraang tatlong buwan kasi ay nakuha nito ang IBF belt na binakante […]

  • BINUKSAN na sa publiko ang Phase 1A at Phase 1B na mga multipurpose building

    BINUKSAN na sa publiko ang Phase 1A at Phase 1B na mga multipurpose buildings sa Bangus Street, Barangay NBBS Kaunlaran, kasunod ng isinagawang blessing nito sa pangunguna nina Mayor John Rey Tiangco, Congressman Toby Tiangco, Vice Mayor Tito Sanchez at mga konsehal ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas. Ito ay nagtatampok ng mga basketball court, office […]

  • LeBron at Davis muling dinomina ang 16th win ng Lakers vs Hawks, 107-99

    Muli na namang nagsama ng puwersa sina LeBron James at Anthony Davis upang tulungan ang Los Angeles Lakers na iposte ang kanilang ika-16 na panalo laban sa Atlanta Hawks, 107-99.     Nagtala si Davis ng 25 points, habang si LeBron naman ay nagpasok ng 21 points, liban pa sa kanyang all around game.   […]