• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pondo ng OFW, huwag gamitin upang makatulong – Bello

Hindi pabor si Labor Secretary Silvestre Bello III sa ilang panawagan na paggamit ng trust fund na pinamamahalaan ng Overseas Workers Welfare Administration upang magbigay ng tulong sa mga nawalan ng trabaho at napauwing Pilipinong migranteng manggagawa.

 

“Nakapagbibigay sila sa atin ng $30 bilyong dolyar kada taon. Nakakatulong sa ekonomiya natin. Kaya naman, kahit ngayon lamang ay ibalik natin ito sa kanila, ‘wag nating galawin yung pera nila,” wika ni Bello.

 

Humihingi ang OWWA ng P5 bilyon pisong supplemental budget mula sa kongreso upang mapalawig ang kanilang pondo dahil sa banta ng bankruptcy kung magpapatuloy sa paggastos para sa pagkain, accommodation at transportasyon ng mga napauwing manggagawa hanggang taong 2021.

 

Sa isinagawang Senate hearing noong nakaraang linggo, sinabi ni OWWA chief Hans Leo Cacdac na ang pondo ng ahensya na P18.79 bilyon ay inaasahang babagsak sa P10 bilyong hanggang matapos ang taon hanggang sa bumaba ito ng P1 bilyon hanggang matapos ang 2021 kung patuloy na magkakaroon ng mga OFW na mawawalan ng trabaho at mapapauwi.

 

Batay sa tala, gumastos na ang OWWA ng P800 milyon para sa repatriation, accommodation at tulong pinansyal para sa mga umuwing OFW na apektado ng Covid 19,  ayon kay Cacdac.

 

Sinabi pa ni Bello na ang pondo ng OWWA ay dapat na ginagastos para sa pangangailangan ng mga miyembro tulad ng livelihood o kung balakin nilang magtayo ng sariling negosyo at para sa edukasyon ng kanilang mga anak.

 

“Dapat gobyerno ang magbigay ng pera para matiyak natin na lahat ng kailangan ng ating mga OFW ay matugunan natin… Bakit naman, for the first time na hihingi naman sila ng tulong, nangangailangan sila ng tulong, bakit naman kailangan nating galawin yung pondo nila?… ‘Wag natin gamitin ang pera na ‘yan sa panahong ito,” ayon sa kalihim.

 

“Ang gobyerno ay dapat na gumawa ng pamamaraan upang matiyak ang karagdagang pondo upang matulungan ang ating mga OFW,” dagdag pa niya.

 

Sinabi rin niya na, “Huwag nating hayaan na maramdaman ng OFW na tinitipid sila sa kabila ng napakalaki nilang naitulong sa ekonomiya natin in the good and in the best of times.”

 

Ayon kay Bello, tinatayang nasa 90,000 OFW ang stranded sa ibang bansa, naghihintay ng repatriation, habang ang nasa 63,000 ay napauwi na sa bansa. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Epekto ng pagtigil ng PRC sa swab testing ng mga OFWs, nakababahala – Bello

    IKINABABAHALA ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang pagtigil ng Philippine Red Cross (PRC) sa kanilang ginagawang swab test lalo sa mga umuuwing overseas Filipino workers (OFWs) dahil sa hindi pa nababayarang utang PhilHealth na umaabot sa P930 million.   Sinabi ni Sec. Bello, umaabot na sa mahigit 4,000 OFWs na dumating sa bansa kamakailan […]

  • MIKOY, umaming na-insecure talaga sa kay RURU at muntik nang mag-quit sa showbiz

    ISA sa mga hit Korean movie ang More Than Blue noong ipinalabas ito ng 2019 na ngayon ay binibigyan ng Pinoy adaptation ng Viva Films at mapapanood na sa Vivamax simula sa November 19.     Kung sa Korean, sina Kwon Sang Woo at Lee Bo Young ang nagbida, dito sa Pinoy adaptation ay sina […]

  • Sa pagbabalik-TV sa Kapatid network: RANDY, willing pa rin na samahan at idirek si WILLIE

    SA pamamagitan ng kanyang Instagram account ay inilabas ni Zanjoe Marudo ang ilan sa mga larawan na kuha nila ng kanyang asawa na ngang si Ria Atayde habang nagha-honeymoon sa Balesin Island.     Kasama ng dalawa ang buong Atayde family na itinaon na rin para sa Holy Week vacation ng buong pamilya ng beterana at […]