• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lorna, nag-guest sa filmfest movie nila noon ni Niño: JANICE, muling nakasama si JUDY ANN sa ‘Espantaho’ pero konti lang ang eksena

HULING nagkasama sina Judy Ann Santos at Janice de Belen sa “Mga Mumunting Lihim” na naging entry sa Cinemalaya Film Festival 2012.

 

 

Ang indie film ay dinirek ni Jose Javier Reyes, na kung saan kasama rin nila sina Iza Calzado, at Agot Isidro.

 

 

Tanda pa ni Janice na ang ensemble cast ay binigyan ng unprecedented accolade as Best Actress and Supporting Actress sa Cinemalaya awards, kaya sobrang memorable ‘yun sa kanila.

 

At ngayong magkasama uli sila sa “Espantaho”, na kuwento ng pag-ibig, pangangaliwa, at misteryo.

 

Kuwento ni Janice tungkol kay Juday, “walang namang difference, actually in both films, hindi ko siya madalas nakasama sa eksena.

 

“Dito sa ‘Espantaho’, konti lang din, kaya wala pa talaga akong work with Juday na matagal ko siyang nakasama, Kahit sa series wala pa rin.”

 

Natanong din si Janice tungkol kina Lorna Tolentino at Chanda Romero, na talagang nakipagtagisan din ng galing sa pag-arte.

 

“Bata pa ako nang naka-work ko si LT, sa pelikulang ’Tropang Bulilit’ (1981), nag-cameo lang siya, kasama kami sa movie ni Niño Muhlach.

 

“Si Tita Chanda naman, ilang beses na, sa halos lahat ng Danny Zialcita movie, kasama ko siya.”

 

Ang “Tropang Bulilit” ay naging entry ng D’Wonder Films sa 1981 MMFF, kasama nina Janice at Niño sina Sheryl Cruz, Andrea Bautista at introducing si Lea Salonga.

 

Samantala, kabilang din sa “Espantaho” sina JC Santos, Mon Confiado, Nico Antonio, Donna Cariaga, Tommy Abuel, Archie Adamos, Eugene Domingo, at ang award-winning child actor na si Kian Co.

 

Produced ito ng Quantum Films, Purple Bunny Productions at Cineko Productions na mapapanood na simula sa December 25.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • ‘All Out Sundays’ nina Alden, waging-wagi pa rin sa ratings kahit nagsama-sama ang Kapamilya stars sa ‘ASAP’

    WAGI pa rin ang Sunday noontime show ng GMA-7 na All Out Sundays base sa resulta ng ratings na lang noong nakaraang Linggo.     Nagsama-sama na rin ang mga sikat na Kapamilya sa nakaraang airing ng ASAP Natin ‘To kunsaan, unang beses din itong napanood sa TV5 na. Bukod pa rito, napapanood pa rin […]

  • 45 BI personnel, sinibak sa serbisyo

    IKINATUWA ng Malakanyang ang naging desisyon ng Office of the Ombudsman na tuluyan nang sinibak sa serbisyo ang lahat ng tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na nasangkot sa kontrobersyal na “Pastillas Scheme” na siyang sinasabing dahilan sa pagdami ng mga ilegal na Chinese na nakapasok sa Pilipinas.     Sa isang kalatas, sinabi ni […]

  • P1.6 B expanded Subic expressway pinasiyanan

    Nagkaron ng inagurasyon ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at NLEX Corp para sa pagbubukas ng 8.2-kilometer na Subic Freeport Expressway (SFEX) expansion na nagkakahalaga ng P1.6 B.     Ang bagong P1.6 B na expressway project ay patuloy na ginawa kahit na may pandemia ng COVID upang magamit agad at nang magkaron […]