• December 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ANG PINAKAMAHALAGANG BOTO NI HON. BONG SUNTAY

Si Congressman Jesus “Bong” C. Suntay ay ang Congressman ng District 4 ng Quezon City at Chairman ng Committee on Human Rights sa House of Representatives.

 

‘NO’ ang boto nya sa Anti-Terrorism Bill.

 

Kung ang Chairman mismo ng Human Rights Committee sa Kongreso ay ni-reject ang Bill na ito, ano ang ibig sabihin? May balita rin sa isang dyaryo na si Congressman Ruffy Biazon ng Muntinlupa, anak ng isang heneral, at original author ng terror bill ay umatras din at binawi ang suporta sa bill.

 

Ano ang kinatatakot ng tao at ang matinding tinututulan laban sa terror bill na ito–‘warrantless arrest, detention for up to 24 hours without a warrant, to be placed under surveillance for 60 to 90 days’.

 

Sino ang hindi matatakot. Lalo na dahil sa panahon ng quarantine na limitado ang galaw ng tao, at ang daming naging kaso ng violation ng human rights at violation ng mga batas at ordinansa na ilan sa mga lumabag ay mismong mga tao sa gobyerno at mga awtoridad – at ang terror bill ay magbigay ng sandata at kapangyarihan pa sa mga taong ito laban sa simpleng mamamayan.

 

Ang sabi ng iba – bakit tayo matatakot sa anti-terrorism bill kung hindi naman tayo terorista?

 

Ang tanong – sino ang magde-determina kung isa kang ‘terorista”?  Kung halimbawa nagreklamo ka dahil hindi ka nakatanggap ng ayuda galing sa iyong barangay captain at dahil na-offend si Kapitan sa reklamo mo at binansagan kang terorista. Huhulihin ka agad. Walang warrant of arrest at pwede ka ikulong ng 24 araw. Wala pa nga ang batas may mga nangyayari nang ganito!

 

At ano ang kinalaman nito sa sektor ng Transportasyon! Malaki at marami!

 

Tandaan na dahil ang transport sector ay kinabibilangan ng mahihirap nating mga kababayan na nagbibigay serbisyo sa mahihirap din nating mga mananakay, sila ang maraming hinaing at kahilingan sa gobyerno. At marami sa kanila ay mga matatapang na ‘aktibista’.

 

At ang batas na ito ay kinatatakutan dahil ang mga aktibista ay binabansagang terorista!

 

Kung may nag-violate ng quarantine regulation, kulong. Kung may mga pinaghihinalaang susuway sa utos ng awtoridad, kulong, at pwedeng bansagang terorista.  Mas malala pa ito sa – “nanlaban kasi”.

 

Hindi ko inasahan ang botong ito ni Cong. Bong pero nagpapasalamat ako at humahanga sa kanyang paninindigan.

 

Abangan ang mga susunod na mga mangyayari. Maging mapagbantay tayo. Mag-isip.  Hindi terorismo ang kalaban natin ngayon, kundi ang COVID-19!  Huwag na sana madagdagan pa ang paghihirap at takot ng ating mga kababayan.

 

Protektahan natin ang mga taong walang kakayahang protektahan ang sarili. Yan ang pagiging makabayan. Hindi ang terror bill na ito.

 

NO to ANTI-TERRORISM BILL. (ARIEL ENRILE-INTON)

Other News
  • ‘Tag-init, posibleng pumasok na sa susunod na linggo’

    PINAGHAHANDA ng mga ahensya ng gobyerno ang publiko sa pagsisimula ng panahon ng tag-init sa ating bansa.     Paalala ng Department of Health (DoH), may mga sakit na karaniwang nararanasan sa ganitong panahon, kasabay ng madaling pagkapanis ng mga pagkain, kaya nagkakaroon ng mga kaso ng food poisoning.     Sa pagtaya ng mga […]

  • Nievarez pasok sa Tokyo Olympics

    Si national rower Cris Nievarez ang pang-walong Pinoy athlete na sasabak sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan sa Hulyo.     Ito ay matapos ilabas ng World Rowing Federation (WRF) ang final list ng mga qualified rowers para sa 2021 Tokyo Olympics kung saan nakasama ang pangalan ng 2019 Southeast Asian Games gold medalist. […]

  • LTO chief inutusan ang mga licensing centers tapusin mga backlog ng mga driver’s license

    Inutusan ni Land Transportation Office chief Jay Art Tugade ang mga licensing centers sa buong bansa na tapusin ang backlog sa pagbibigay ng driver’s license sa katapusan ng buwan sa darating na taon. Naglabas din ang LTO ng memorandum na nagsasaad ng guidelines para sa printing at issuance ng drivers’ licenses upang mabigyan ng solusyon […]