PBA lalayasan ng players; lilipat sa ibang bansa
- Published on July 2, 2020
- by @peoplesbalita
Dapat na umanong kabahan ang Philippine Basketball Association (PBA) dahil sa pagpili ng ilang manlalaro na dalhin ang kanilang talento sa abroad kaysa maglaro sa liga.
Ito ang malaking hamon sa pamunuan ng PBA matapos pumirma bilang import sa Japan si Thirdy Ravena kaysa lumahok sa PBA draft.
Sa ngayon, maraming bansa sa Asya ang nagbibigay ng offer sa mga mahuhusay na manlalarong Pinoy upang kuhaning import o manlalaro sa kanilang basketball league.
Ayon kay PBA chairman Ricky Vargas, hindi umano banta sa liga ang paglalaro ng mga Pinoy sa ibang bansa.
“Hindi naman. It’s just a delay [in the draft],” ani Vargas. “Our rules [states] two years from eligibility. They have two years to join the PBA.”
Ayon kay Vargas, nasa desisyon na mga manlalaro kung gusto nilang subukan ang kanilang husay sa foreign countries kahit pa maganda ang offers sa PBA.
Matatandaang pumirma si Thirdy Ravena ng kontrata sa San-En Neophoenix sa Japan Professional Basketball League (B.League) kung saan inaasahan na rin ang paglalaro ni Calvin Abueva sa ibang bansa dahil mahigit isang taon na ay hindi pa siya pinapayagang maglaro sa liga matapos patawan ng parusang indefinite suspension
-
Maraming na-touch na netizens sa kanyang mensahe: BB, nakiramay kay CARMINA at inalala ang mga kabutihan ng yumaong ama
SA latest Instagram post ni Carmina Villarroel na kung saan nagpalipad sila ng mga baloons para sa yumaong ama na si Regy Villarroel pagkalipas ng higit isang linggo. Sa naturang post ni Mina, nakiramay si BB Gandanghari sa pamamagitan ng nakata-touch na mensahe sa dating asawa. Ayon kay BB na kilala […]
-
Duterte umaasang ‘di mas mapanganib ang bagong ‘monster’ na COVID-19 variant
Nababahala umano si Pangulong Rodrigo Duterte matapos makapasok na sa Pilipinas ang bagong variant ng COVID-19. Sa kanyang weekly address, sinabi ng Pangulong Duterte na umaasa itong hindi mas mapanganib ang bagong variant ng coronavirus na unang na-detect sa United Kingdom. “And I pray to God, really, na sana hindi ito more dangerous, […]
-
Alicia Silverstone Shares TikTok About How She Was Body-Shamed As Batgirl
CLUELESS star Alicia Silverstone reflects in a TikTok video on how she was body-shamed when she played Batgirl in the 1997 film Batman & Robin. Silverstone was just 19 years old during the filming of the Joel Schumacher superhero film. She was also coming hot off the set of her big break in the 1995 […]