• December 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

QC TAX SURPLUS, aabot ng higit P3-B bago matapos ang taon

KUMPIYANSA si Quezon City treasurer Edgar T. Villanueva na bago matapos ang taon ay maaabot ng lokal na pamahalaan ang overall target surplus na mahigit sa 3 billion para sa taong 2024.

 

 

 

Sa panayam ng ilang batikang mamamahayag ng Quezon City Press Club Inc., ipinahayag ni city treasurer Edgar Villanueva na ang lungsod ay nakakamit na ng P2.650 billion surplus both in real-property at business taxes as of December 9.

 

Tiwala siya na kaya pang maabot ng pamahalaan ang surplus na mahigit P3 billion sa gitna ng mga parating na Christmas holidays ngayong Disyembre 24, 25, 30 at 31. “Kaunti na lamang ang kakailanganin ko, kalahating bilyong piso na lang, o P500 million. Kayang kaya,” dagdag pa ni Villanueva.

 

As of Dec. 9, ang actual income ng Quezon City ay umabot na sa P41,649,140,663.32 against its target income na P31,802,332,376.

 

 

Ayon pa kay Villanueva na ang pagtaas ng koleksiyon sa amilyar ngayong 2024 ay dulot nang pagpasa ng mga makabuluhang ordinansa ng mga tax measures ng City Council at ang buong suportang ibinibigay ni Mayor Joy Belmonte sa kanya, ang pagpapahalaga ng taumbayan sa tamang paggasta ng Lungsod Quezon sa mga proyekto at programa nito, at ang epektibong tax collection efforts ng City Treasurer’s Office, kagaya nang pagpuksa sa korapsyon.

 

“The city council has given me the tool and equipment to do what I have to do. I have presented to them (councilors) the Department of Finance (guidelines) for tax collection,” saad pa ni Villanueva.

 

 

Samantala, mananatiling bukas ang City Treasurer’s Office upang tumanggap ng tax payment hanggang sa Disyembre 31. Sa opisyal na Facebook account ng lokal na pamahalaan, inanunsiyo nito ang pagtanggap ng mga tax payments sa mga city treasurer’s satellite offices at branches, at maging sa loob ng naglalakihang malls sa siyudad.

 

Nagpaalala din si Villanueva na ang mga taxpayers ay mayroong 20% discount upon full payment sa kanilang annual real-estate taxes on or before December 31.

 

Ito ay ayon sa City Ordinance No. SP-3179 of 2023 na isinasaad na “those who will pay in full their basic real property tax and the additional tax accruing to the Special Education Fund (SEF) and barangay share for the following taxable year on or before Dec. 31 will get a 20% discount.” (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • Ads December 28, 2021

  • Movie nila ni BEA, inaabangan bukod sa serye: ALDEN, good vibes lang palagi kaya patuloy ang blessings

    SABI ni Direk Roman Cruz, Jr. tinitiyak daw niya na every movie na kanyang ginagawa ay ibang-iba sa huling project na kanyang dinirek.      Pero aminado naman siya na itong latest movie for Vivamax titled Putahe ay homage niya sa pelikula niyang Adan na umagaw ng atensiyon nang ito ay ipalabas.     “Hindi naman ito […]

  • BIR NAGBABALA SA MGA ONLINE SELLERS

    Mahigpit na ngayong inatasan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga online seller at mga kahalintulad na negosyo na gumagamit ng digital o electronic platform na iparehistro ang kanilang negosyo.   Ito ang naging lamang sa inilabas na Revenue Memorandum Circular 60-2020 kung saan para matiyak na sumasang-ayon ang kanilang negosyo sa probisyon na […]