• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BIR NAGBABALA SA MGA ONLINE SELLERS

Mahigpit na ngayong inatasan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga online seller at mga kahalintulad na negosyo na gumagamit ng digital o electronic platform na iparehistro ang kanilang negosyo.

 

Ito ang naging lamang sa inilabas na Revenue Memorandum Circular 60-2020 kung saan para matiyak na sumasang-ayon ang kanilang negosyo sa probisyon na nakasaad sa section 236 o Tax Code.

 

Dapat din aniyang ideklara ang paraan ng kanilang pagbabayad, ginagamit na internet service providers at iba pang mga facilitators.

 

Nagbigay ang nasabing ahensiya ng hanggang Hulyo 31, 2020 na dapat irehistro ng mga online seller ang kanilang negosyo para maiwasan nila ang pagbabayad ng multa.

 

Magugunitang mula ng magpatupad ng community quarantine sa bansa dahil sa coronavirus pandemic ay dumami ang online selling.

Other News
  • Messi pinakamayamang football player sa buong mundo – Forbes

    Kinilala ng Forbes si Lionel Messi bilang pinakamayamang soccer player sa buong mundo.   Ayon sa Forbes, mayroon itong kabuuang yaman na $126 million.   million dito ay mula sa kaniyang sahod habang $34 million ay mula sa kaniyang mga endorsements.   Nasa pangalawang puwesto naman ang isa pang football superstar na si Cristiano Ronaldo […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 5) Story by Geraldine Monzon

    NAGULAT  si Bernard nang sabihin ni Madam Lucia na ang kuwintas ang siyang makapagliligtas sa pagmamahalan nila ng tanging babaeng nasa puso niya.   “Ginoo, tanggapin mo na sana ito!”   “Bernard, tanggapin mo na, sayang din ‘yan.” Ulok ni Marcelo. Sinulyapan ni Bernard si Cecilia na nakaupo sa isang sulok ng kulungan. Nakayuko na […]

  • Gilas Pilipinas at South Korea may laro bago ang FIBA Asia Cup

    NAKATAKDANG  makaharap ng Gilas Pilipinas ang South Korea sa buwan ng Hunyo.     Ayon sa South Korea website na Jumpball , na isasagawa ang “evaluation match” mula Hunyo 17-18 sa Anyang City.     Itinuturing ng South Korea ang nasabing laro ay makakatulong par asa evaluation ng kanilang manlalaro bago ang FIBA Asia Cup […]