Muling nanawagan ang Gabriela Partylist para sa agaran at full clemency kay Mary Jane Veloso
- Published on December 20, 2024
- by @peoplesbalita
KASUNOD ng pag-uwi ni Mary Jane Veloso sa Pilipinas ay muling nanawagan ang Gabriela Partylist para sa agaran at full clemency.
Agad na dinala si Mary Jane Veloso sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong makaraang magbalik bansa mula Indonesia.
“Mary Jane Veloso is a victim, hindi siya kriminal. She is a victim of human trafficking and the government’s labor export policy that continues to push our women to work abroad despite the risks,” ayon kay House Assistant Minority Leader at Gabriela Partylist Rep. Brosas.
sinabi nito na labing apat na taon nang nagdurusa si Mary Jane at ang kanyang pamilya.
Samantala, nangako naman ang grupo na ipagpapatuloy ang pagbibigay suporta kay Veloso habang patuloy sa pakikipaglaban para sa hustisya at kalayaan at maprotektahan ang mga women migrant workers mula sa trafficking at exploitation. (Vina de Guzman)
-
US magbubuhos pa ng $500-M na direct budgetary aid sa Ukraine – Pres. Biden
MAGBIBIGAY ng dagdag na direct budgetary aid sa Ukraine ang Estados Unidos na nagkakahalaga ng $500 million. Ipinahayag ito ng White House matapos ang naging pag-uusap nina US President Joe Biden at Ukrainian President Volodymyr Zelensky via phone call upang pag-usapan pa rin ang patuloy na pagsuporta ng Amerika sa Ukraine laban sa […]
-
40-day prayer to save Earth, pangungunahan ng Living Laudato Si Philippines
Hinihikayat ng Living Laudato Si’ Philippines ang mga mananampalataya at mga kapanalig na makibahagi sa ilulunsad na 40-day prayer campaign bilang paghahanda sa paglalakbay tungo sa pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan. Magsisimula ang prayer campaign sa Oktubre 04, kasabay ng kapistahan ng patron ng kalikasan na si San Francisco ng Assisi at magtatagal hanggang sa […]
-
Hihinto ang buong operasyon ng PNR sa December
ANG KABUUANG operasyon ng Philippine National Railways (PNR) ay hihinto sa darating na December upang bigyan daan ang pagtatayo ng North-South Railway Projects (NSRP) ng PNR at Department of Transportation (DOTr). Ang unang bugso ng konstruksyon ng proyekto ay ang maaapektuhan ay ang kahabaan ng Alabang, Muntinlupa hanggang Calamba sa Laguna ng […]