Nakikita naman kay Luna na pwede ring mag-showbiz: JUDY ANN, ‘di pagbabawalan na ligawan si JOHAN basta pumunta lang ng bahay
- Published on December 19, 2024
- by @peoplesbalita
AMINADO ang Prime Superstar na si Judy Ann Santos na mas nahirapan daw siyang gawin ang ‘Espantaho’, na isa sa 10 entries sa 50th Metro Manila Film Festival na magsisimula na sa December 25.
Na-realize kasi niya after gawin ang horror film, hindi lang comedy ang mahirap gawin para sa kanya.
“Mas mahirap gawin ang horror. Kasi kailangan mong mapakita ng takot nang hindi mo naman nakikita yung dapat mo makita,” kuwento niya.
After 10 years uli nakagawa ng horror film, ito ‘yung ’T’yanak’ na pinalabas noong 2014.
Nahirapan din naman siya sa ‘Ouija’ noong 2007 at ‘Kulam’ noong 2008, pero iba nitong pinagawa sa kanya ni Direk Chito Roño.
“Ito talaga, wala, imahinasyon. Pero bago naman namin i-shoot yung eksena, sinasabi naman ni Direk [Chito] kung anong mangyayari.
“So, bahala ka lang kung paano mo buu-buuin yung eksenang yun sa utak mo.
“Basta sinabi ko ito yung nakikita mo. Ito yung magyayari.”
Hindi nga lang bida si Judy Ann sa Espantaho dahil co-producer din siya ni Atty. Joji Alonzo ng Quantum Films at ng CineKo Productions.
Itinayo nila ang kumpanya na Purple Bunny Productions.
Kaya kahit paano ay mas gusto niyang kumita ang pelikula at bonus na lang sa kanila ang awards na matatanggap.
Kuwento niya tungkol sa company na nakapangalan sa tatlong anak, ang Pink Pudding for Johan, Blue Buching for Lucho, at Purple Bunny for Luna.
Dagdag pa ni Juday, “Si Purple Bunny nagsimula for Judy Ann’s Kitchen, yung nag resume ako this year.
“So we just wanted to try out na mag-venture sa ibang platforms naman.”
Naging co-producer na rin si Judy Ann sa pelikulang Ploning noong 2008), dahil aksidenteng naging bahagi siya ng produksiyon.
Anyway, natanong din ang aktres tungkol kay Johan na dalaga na at si Luna na mukhang susunod rin sa yapak nila ni Ryan Agoncillo.
“Alam mo si Johan baby girl pa rin siya, kahit dalaga na siya, clingy pa rin at malambing,” tugon niya.
“Pero may mga moments pa rin na hindi mo naman maikakaila na dumadaan sa mga exploratory stage.
So may moments you have to talk to her and explain things to her.
May pagdadaanan na pagkakamali, but it’s part of life. But we’ll get this through together.”
At dahil dalaga na nga si Johan, open naman sina Juday kung may magtangka nang lumigaw.
“Hindi naman namin siya pinagbabawalang ligawan, lalo na kung nasa school siya. Ano lalagyan ko siya ng CCTV sa loob para malaman ko kung may nanliligaw na sa kanya?
“We trust her. Ang ano lang namin, if ever na may manligaw sa kanya, kailangan pumunta sa bahay and we have to meet them.
“Sabi namin, ‘kailangan trabahuhin ka ng lalaki, anak. Kasi yan ang gagawın ng lalaki, liligawan ka.
At doon natin malalaman kung clean ang intention sa ‘yo.’
“So, it’s very important to meet that guy in person.”
Pagdating naman kay Luna, “kitang-kita ko na parang magso-showbiz din siya.
“Si Luna very creative, very artistic. Nag-e-edit siya, sinu-shoot niya ang sarili niya habang nagro-role playing. Which we allow na to video yun sarili niya tapos I-edit niya.
Kasi hindi mo naman makikita ang creativity ng bata kung pipigilan mo agad, basta wala lang posting.
“Amin lang ‘yun, so ang dami-dami kong videos ni Luna na iba’t-iba ang edits niya.
At natutuwa naman kami.”
Samantala, kasama ni Judy Ann sa ‘Espantaho’ sina Lorna Tolentino, Chanda Romero, Janice de Belen JC Santos, Mon Confiado, Nico Antonio, Donna Cariaga, Tommy Abuel, Archie Adamos, Eugene Domingo, at ang award-winning child actor na si Kian Co.
Mapapanood na ito simula sa December 25 at balitang ikalawa ang ‘Espantaho’ sa nakakuha ng maraming sinehan sa pagbubukas ng 50th MMFF.
(ROHN ROMULO)
-
Mahigit P3-B nawala dahil sa agri smuggling noong 2023- PBBM
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mahigit sa P3 billion ang nawala dahil sa agricultural smuggling noong 2023. Inihayag ito ni Pangulong Marcos sa paglagda upang maging ganap na batas ang Anti- Agricultural Economic Sabotage. Giit ng Pangulo, ang economic sabotage sa agricultural sector ay ”not simply a tale of […]
-
May milagro kay Black
NAGAGALAK at pasalamat si incoming Meralco sophomore professional Aaron Black sa pagkakasama niya top five candidates para sa Outstanding Rookie award ng 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Online Awards sa darating na Linggo, Enero 17. “Definitely an honor to be considered as one of the better rookies of the (Philippine Cup) bubble,” litanya […]
-
Trial doses ng Sputnik V, hahatiin sa 5 lungsod sa Metro Manila
Limang lungsod pa lang sa Metro Manila ang makatatanggap ng 15,000 doses ng inisyal na sampol ng Sputnik V COVID-19 vaccine mula sa Russia na dumating sa bansa nitong Sabado. Makakatanggap ng tig-3,000 trial doses ng naturang bakuna ang mga lungsod ng Makati, Taguig, Muntinlupa, Maynila at Parañaque. Ayon kay Health […]