• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOJ, susuriin ang rekomendasyon ng QuadComm laban kay Digong Duterte-PBBM

IPINAUBAYA na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Justice (DOJ) ang masusing pagsusuri sa rekomendasyon ng House Quad Committee (QuadComm) na sampahan ng reklamo o ipagsakdal si dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte at iba pa ukol sa ‘war on drugs’ ng dating administrasyon.

 

 

Inirekomenda kasi ng Quad Comm ang pagsasampa ng reklamo laban kina Digong Duterte, Senador Ronald Bato dela Rosa at Senador Bong Go para sa di umano’y paglabag sa Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide and Other Crimes Against Humanity.

 

“The DOJ will look at it and see if there are— if it is time to file cases, what cases to file, how to produce the evidence, and we will need to actually build the case up,”ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang ambush interview

 

“So titingnan pa ‘yan. Marami pa. Kailangan pa i-assess nang mabuti kung ano yung maaaring maging kaso, tama ba yung direksyon ng rekomendasyon ng committees from House,” aniya pa rin.

 

Sa kabilang dako, bukod kina Digong Duterte, Senador Dela Rosa at Go, inirekomenda rin ng House Quad Committee ang pagsasampa ng kasong “crimes against humanity” laban kina dating PNP Chiefs ret. Oscar Albayalde at ret. Gen. Debold Sinas; dating P/Colonels Royina Garma at Edilberto Leonardo at dating Palace aide na si Herminia “Muking” Espino.

 

 

Si Garma, dating PCSO manager, ang nagbulgar sa Quad Comm, ang Davao model o reward sa mga opisyal at tauhan ng pulisya na makakapatay ng mga drug personalities, pag-iral ng Davao Death Squad, pagpatay sa mga tatlong Chinese drug lords sa loob ng Davao Penal Colony.

 

Ang rekomendasyon ay nakapaloob sa 43 pahinang QuadCom progress report matapos ang 13 pagdinig mula Agosto 16 hanggang Disyembre 12, 2024 kung saan iprinisinta ang mga nadiskubre, nakalap na ebidensya, naging aksiyon at rekomendasyon sa paggawa ng panukalang batas hinggil sa EJK, illegal na droga gayundin ang illegal na operasyon ng POGOs.

 

Sinabi ni Quad Comm chair Rep. Robert Barbers, nang dumalo si dating Pangulong Duterte sa pagdinig noong Nobyembre 13, kinumpirma nito ang Davao Death Squad, ang Davao template o model sa reward system sa mga police officers na masasangkot sa EJK na pinayuhan ang mga pulis na pilitin ang mga drug personalities na manlaban habang inako rin nito ang buong responsibilidad sa bloody drug war.

 

 

Samantala, sa hiwalay na panayam, sinabi ni Justice Undersecretary Raul Vasquez na wala pang natatanggap na rekumendasyon ang DoJ.

 

“Formally, hindi pa. Pero ayon sa proseso, lahat naman ng recommendations naman nila sa committee report ng kahit ano mang committee ng ating Senado at Kongreso ay tatanggapin ng ating National Prosecution Service,” ani Vasquez.
“Titingnan, titimbangin, at isasampa ‘yan, at magkakaroon ng mga kaso, at doon na magkakaroon ng preliminary investigation at due process ang bawat tao,” ang sinabi pa rin ni Vasquez.
At nang tanungin kung ang International Criminal Court (ICC), iniimbestigahan din ang droga, maaaring gamitin ang QuadComm report, inulit ni Vasquez na ang international tribunal ay ‘no jurisdiction’ sa bansa.
“Technically hindi dahil hindi na nga tayo saklaw ng ICC, eh. Pero hindi naman sila pinipigilan, hindi naman sila prevented from using the same witnesses, the same people,” anito. (Daris Jose)

Other News
  • SC, tuluyan nang ibinasura ang Anti-Terror Act of 2020

    TULUYAN  nang ibinasura ng Korte Suprema ang mga petisyon na humihiling na ibasura ang Anti Terrorism Act of 2020.     Sa En Banc deliberation dito sa Baguio City ng mga mahistrado ng SupremeCourt (SC), binasura ang mga inihaing motions for reconsideration ng mga petitioner.     Ibinase ng SC En Banc ang desisyon sa […]

  • Bryant, 2 pa iniluklok sa Hall of Fame

    Iniluklok na ang namayapang si Kobe B­ryant kasama ang mga miyembro ng 2020 Class sa Naismith Memorial Basketball Hall of Fame kahapon.     Nakasama ni Bryan sina NBA legends Tim Duncan at Kevin Garnett sa 2020 Class.     Ang dating Los Angeles Lakers superstar ay kinatawan ng kanyang asawang si Vanessa at sinamahan […]

  • Pagbili ng submarine, nananatili pa ring bahagi ng plano ng Pinas- PBBM

    NANANATILI pa ring bahagi ng plano ng Pilipinas ang pagbili ng submarine matapos ang  development  ng  anti-submarine capabilitie nito.     Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang pagbili ng submarine ay ” still part of our plan,” sa isang ambush interview sa isinagawang pagdiriwang ng ika-125 taong anibersaryo ng Philippine Navy (PN).   […]