Kelot kulong sa pagpalag sa parak at higit P.3M droga sa Caloocan
- Published on December 21, 2024
- by @peoplesbalita
SA kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos tangkain pumalag sa parak at makuhanan pa ng mahigit P.3 milyong halaga ng shabu sa Caloocan City.
Sa report ng Caloocan City Police Station kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino, habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng Cadena De Amor Police Sub-Station sa Robes 1, Barangay 175, Camarin, nang maispatan nila ang dalawang lalaki na nagta-transaksyon umano ng ilegal na droga dakong alas-3:00 ng madaling araw.
Nang mapansin ng dalawa ang kanilang presensya, nagtangkang tumakas ang mga ito kaya hinabol sila ng mga pulis hanggang makorner si alyas “Tobats”, habang nakatakas naman ang kasama nito.
Nakuha sa suspek ang isang medium-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng nasa 49.6 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P337,280.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Article 151 of the Revised Penal Code (Disobedience to a Person in Authority) at Section 11, Article II of Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Pinuri naman ni Col. Ligan ang Caloocan police sa kanilang pagbabantay at dedikasyon. “Their swift action in arresting the suspect and enforcing the law is a testament to the unwavering commitment of the entire police force to making Metro Manila a safer place for all,” pahayag niya. (Richard Mesa)
-
Nagulat nang malaman ang nangyari sa kaibigan: CARLO, ipinagdarasal na malampasan ni SANDRO ang pagsubok
KAIBIGAN pala ni Carlo San Juan si Sandro Muhlach na nasasangkot ngayon sa isang malaking kontrobersiya. Naging magkaibigan sila dahil sa Sparkle. Noong nalaman niya ang nangyari, ano naging reaksyon niya? “Siyempre nalungkot po ako kasi kaibigan ko yun e, parang ayun po yung nangyari sa kanya. Ayun […]
-
LTFRB, binalaan ang mga ride-sharing firms, magde-deploy ng mga ‘mystery riders’ sa gitna ng overcharging
BINALAAN ng mga transportation authority ang mga kumpanya na nasa ride-hailing service market na huwag magpataw ng sobrang pamasahe matapos silang makatanggap ng report ng overcharging laban sa isang player. Sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nakatanggap sila ng reklamo laban sa Joyride Ecommerce Technologies Corp. dahil naningil ito […]
-
PBBM, itutulak ang mas maraming buwis, military pension reform
UMAPELA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kongreso na suportahan ang mga priority legislations kabilang na ang tax measures at ang reporma sa military pension. Sa kanyang pangalawang State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa, Lungsod ng Quezon, nanawagan ang Pangulo sa mga mambabatas na isulong ang tax measures sa ilalim ng Medium-Term […]