• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dating UFC champion Conor McGregor at Logan Paul, maghaharap sa Exhibition match sa 2025

MAGHAHARAP sa isang exhibition match sina dating two-division UFC champion Conor McGregor at World Wrestling Entertainment (WWE) star Logan Paul sa 2025.

 

 

Nagkasundo ang kampo ng dalawa na ganapin ang naturang match sa bansang India at maglalaban sa ilalim ng boxing rules.

 

 

Mismong si McGregor ang nag-anunsyo sa naturang laban ngunit sa kasalukuyan ay nananatiling limitado pa ang impormasyong inilalabas ukol dito.

 

 

Ang tanging idinagdag ng UFC star ay ang kasalukuyan niyang pakikipag-usap sa pamilya ng bilyonaryong si Mukesh Ambani na siyang nag-sponsor sa naturang laban.

 

 

Sa kasalukuyan, hawak ni McGregor ang record na 22-6-0. Sa 22 laban na kaniyang naipanalo, 19 dito ay pawang mga knockout.

 

 

Si Paul ay isang Youtuber na kamakailan ay pumasok sa boxing. Mula nang pasukin ang naturang sport, apat na beses na siyang lumaban; pinakamalaki rito ay laban kay undefeated champion, Floyd Mayweather Jr.

Other News
  • Miyembro ng ‘Parojinog Group’, timbog sa Valenzuela

    NALAMBAT ng pulisya ang isang wanted person na miyembro ng ‘Parojinog Group’ matapos matunton sa kanyang pinagtataguang lugar sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.     Sa ulat ni District Special Operation Unit (DSOU) chief P/Lt. Col. Robert Sales kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa pinagtataguang […]

  • Makakasama si John bilang ama niya: PAOLO, gaganap na gay martial arts fighter sa ‘Fuchsia Libre’

    MAY bagong pelikulang gagawin ang Kapuso TV host-actor na si Paolo Contis, kasama ang batikang aktor na si John Arcilla.     Sa Chika Minute report sa GMA News “24 Oras”nitong Lunes, sinabing isang gay martial arts fighter ang magiging role ni Paolo sa pelikulang may pamagat na ‘Fuchsia Libre’.     Wala pang ibang […]

  • Training program ni Marcial para sa Tokyo Olympics kasado na

    Plantsado na ang programa ni Eumir Felix Marcial para sa Tokyo Olympics.     Sanib-puwersa ang Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) at MP Promotions upang masiguro na handang-handa si Marcial bago sumabak sa Tokyo Olympics.     Ayon kay MP Promotions chief Sean Gibbons, tinututukan ng coaching staff si Marcial sa kanyang […]