Foreigners bawal na sa NCAA; Kobe Paras umalma
- Published on June 29, 2020
- by @peoplesbalita
Hindi na umano mababali ang desisyon ng NCAA na ipagbawal ang paglalaro ng mga foreign student-athletes sa lahat ng sports simula sa Season 96.
Ito ang nilinaw ni Management Committee chair Fr. Vic Calvo ng host Letran kaugnay sa nabuong desisyon.
Agad namang bumuhos ang sentimiyento ng publiko sa social media at sinabing napakalupit ng desisyon at hindi na angkop sa panahon ngayon.
Umalma rin si University of the Philippines (UP) star Kobe Paras sa ginawang pagbabawal sa paglalaro ng foreign student athletes.
Maraming manlalaro rin ang nagpahayag ng kanilang galit sa social media habang ang iba naman ay pabor na alisin ang foreign-student athletes sa palaro upang mabigyan pagkakataon ang mga malalaking local players na kuminang.
Para kay dating Letran Knight at 1999 NCAA MVP Kerby Raymundo, maganda ang naging desisyon dahil naniniwala itong inaagaw ng foreign student-athletes ang oportunidad na para sa mga Pinoy.
“Good news ito! Kinain nila playing time ng Locals, When locals play, they make mistakes, they learned from their mistakes, next game they play better. 3 years later they improved a lot. They’re ready to play in PBA,” tweet ni Reymundo.
Naniniwala ang mga nasa likod ng pagpapalit ng rules na maganda ito para sa Philippines sports at tinawag pa nila ang mga imports na mercenaries.
-
Nagpa-surprise ang mag-asawang Dingdong at Marian: ZIA, nagkaroon ng dalawang 7th birthday celebration
DALAWA ang naging birthday celebration ng panganak na anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Zia Dantes. Sa actual date ng birthday niya at noong Linggo, November 27. Sa mismong birthday ni Zia, tila nagpa-surprise ang mag-asawa at walang idea si Zia na may naghihintay na surprises sa kanya. Pamilya at mga […]
-
Importante ang chemistry at komunikasyon: MARCO, naniniwala sa matagumpay na long distance relationship
HINDI naniniwala si Marco Gallo na hadlang ang long distance upang maging matagumpay ang isang relasyon. Ayon kay Marco, “It doesn’t really matter because the chemistry between two people is more important. “As long as you can communicate, Facetime or video call, it doesn’t matter how far they are.” […]
-
Nadal nakuha ang pang-14th French Open title
NAKUHA ni Spanish tennis star Rafael Nadal sa French Open. Ito ay matapos na talunin si Casper Ruud sa score na 6-3, 6-3, 6-0 sa loob ng dalawang oras at 18 minuto. Ang panalo ang siyang pang-14th French Open at 22 Grand Slam title ng 36-anyos na si Nadal. […]