• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BFP, itinaas sa code red simula ngayong Lunes para sa yuletide season

Naka-full alert status o Code red na ang Bureau of Fire Protection (BFP) simula ngayong araw ng Lunes, Disyembre 23 para sa yuletide season.

 

 

 

Sa isang statement, sinabi ng ahensiya na papairalin ito hanggang sa Enero 2, ng susunod na taon.

 

 

Ito ay alinsunod sa Oplan Paalala: Iwas-Paputok ng ahensiya. Bunsod nito, naging epektibo na rin ang operational readiness at striktong pagsunod sa mga precautionary measures.

 

 

Sa isang press conference, iniulat ni BFP Community Relations Service Chief Fire Senior Inspector Gabriel Solan na wala pang naitatalang fire-related incident sa mga paktorya ng paputok.

 

 

Ang pinakahuling naitala na sunog ay sa isang tindahan ng mga paputok noong Hunyo 2 ng kasalukuyang taon.

 

 

Sa kasalukuyan, mayroon ng 24 na firecrackers at pyrotechnic related incidents sa bansa, kung saan 15 dito ay bunsod ng pagsabog ng paputok at 16 naman ay sa mga pyrotechnics o mga pailaw.

 

 

Samantala, ayon sa BFP official, nagdeploy na rin ang BFP ng mahigit 38,000 personnel, mayroon ding emergency medical units at BFP first aid service teams, kasama ang Department of Health (DOH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa pagtugon ng emergency cases. ( Daris Jose)

Other News
  • ‘My Working Team’ ipinakilala ni Tolentino para sa POC elections

    PINATINGKAD ng tatlong gold medals sa magkasunod na Olympic Games at apat na ginto sa Asian Games tampok ang men’s basketball title ang pamamahala ni Abraham “Bambol” Tolentino sa Philippine Olympic Committee (POC).     Idagdag pa sa mata­gumpay na pagmamando ni Tolentino sa POC ang nakamit na overall championship sa pamamahala ng bansa sa […]

  • After Gretchen at Claudine… JULIA, ‘di pa rin makapaniwalang makatatambal si AGA

    WILLING pala si Kapuso actress Carla Abellana na mag-guest sa afternoon noontime show na “It’s Showtime” sa GTV ng GMA Network, kung mai-invite at papayagan naman siya.       Natuwa nga raw siya sa collaboration ng GMA-7 at ABS-CBN, “it’s very surprising, but also refreshing, kaya payag akong mag-guest o mag-host sa “It’s Showtime.”   […]

  • GINANG BINARIL NG ISANG PULID SA KYUSI PATAY

    PATAY ang isang ginang matapos na barilin ng isang galit-na galit na pulis sa may Commonwealth QC gabi ng Lunes Mayo 31. Kinilala ang biktima na si Lilybeth Valdez habang ang suspek na pulis ay kinilalang sia P.Master Sgt. Hensy Sinampan nakatalaga sa Kampo Crame sa PSPG. Sa panayan ng anak ni Valdez sa isang […]