• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pilipinas, makabibili ng COVID- 19 vaccine

TINIYAK ng Malakanyang na makabibili ang bansa ng COVID-19 vaccine kapag naging available na ito.

 

Ayaw kasing umasa ng Malakanyang sa 2021 proposed national budget sa harap ng pagnanais nitong agad na makakuha ng COVID-19 vaccine.

 

Giit ni Presidential spokesperson Harry Roque, ayaw nilang dumepende sa national budget kung pag- uusapan ay pagbili ng bakuna sa corona virus.

 

Sa katunayan, nakalatag na ani Sec. Roque ang mga kakailanganing hakbang kasama na ang resources o paghuhugutan ng pambili ng vaccine sa sandaling maging available na ito o may bansang magbenta na ng bakuna sa virus.

 

Nandiyan aniya ang Development Bank of the Philippines o DBP at ng Landbank of the Philippines na magpopondo sa pag- angkat ng bakuna sa pamamagitan ng loan.

 

Bukod pa sa may mga sources of information ang Pangulong Duterte na malapit nang magkaroon ng COVID vaccine at di magtatagal ay may bakuna nang magagamit para sa mga Pilipino. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Europe nasa ceasefire muna sa COVID-19

    NANINIWALA ang World Health Organization (WHO) na malapit ng manahimik ang Europa laban sa COVID-19.     Ito ay dahil sa maraming mga bansa ang nagpatupad ng pagpapaluwag na ng COVID-19 restrictions.     Ayon kay WHO Europe Director Hans Kluge na dahil sa mataas na vaccination rates at ang pagtatapos ng winter ganun din […]

  • Balik-tanaw para kay Anthony Villanueva

    HAYAAN po ninyong itampok ko ang ilang mga kababayan nating Olympian ngayon at sa susunod na araw dahil sa Olympic year naman.     Para sa araw na ito silipin po natin si Anthony Villanueva.     Siya po ang unang atletang nakapagbigay sa ating bansa ng silver medal sa men’s boxing mula sa 18th […]

  • Yorme Isko, walang planong tumakbo sa pagkapangulo sa 2022 election

    Nilinaw ni Manila Mayor Isko Moreno na wala siyang plano na tumakbo sa pagkapangulo sa halalan na gaganapin sa 2022.     Aminado raw si Moreno na masaya siya dahil nakasama ang kaniyang pangalan sa isa sa mga presidential bets sa 2022 batay sa inilabas na listahan ng Pulse Asia survey.     Labis ang […]