• May 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Saso may ₱178K grasya sa pagpuwestong ika-50

MALAMYA ang pangatlo at pinaleng round ni Yuka Saso nang tumira lang two-over par 74 para sa 218 aggregate para humanay sa triple-tie sa ika-50 posisyon na may ¥400K (₱178K) bwat sa pagrolyo ng 12th T point x Eneos golf tournament sa Kagoshima Takamaki Country Club sa Kagoshima Prefecture, Japan nitong Linggo, Marso 21.

 

 

Pinagreynahan ang tatlong araw na hambalusan ng local bet na si Sakura Koiwai na may 70-206 para sa dalawang palong tagumpay sa tatlong mga kalahik na nagtablahan sa ikalawa-ikaapat na puwesto mga parehong total na 208s.

 

 

Sunod sa misyon ng 19-anyos na na Fil-Japanese, tubong San Ildefonso, Bulacan at top PH rrokie pro ang ¥80M (₱35.7M) 9th AxaLadies Golf Tournament in Miyazaki 2021 sa UMK Country Club sa Miyazaki Prefecture sa  Marso 26-28.

 

 

Ang tatlong araw na torneo ang 18th leg ng 53rd Ladies Professional Golf Association (LPGA) of Japan Tour 2020-21 at pang-apat niya sa taong ito. (REC)

Other News
  • 7 drug suspects timbog sa buy bust sa Navotas

    UMABOT sa mahigit P.1 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng pulisya sa pitong hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang lolo na malambat sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas City.     Sa ulat ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas, nagsagawa ang mga operatiba […]

  • Mapayapa, violence-free polls sa May 9 national at local elections

    MULING ipinangako ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa taumbayan ang mapayapa at malinis na halalan sa ilalim ng kanyang administrasyon.     “Again, it is my commitment to the nation that the elections will be peaceful and free from violence, intimidation of voters. ‘Wag ninyo gawin iyan  because I would still be here to oversee […]

  • Sec. Roque , iginiit na naging maingat at mahigpit na sinunod ang mga kailangang safety protocol

    IGINIIT ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi siya nagpabaya at mahigpit niyang sinunod ang safety protocol subalit nag-positibo pa rin siya sa COVID 19.   Kaya nga ikinabigla niya ang naging resulta ng kanyang rt- PCR test nitong nagdaang linggo.   “Ang tanong: Ito ba ay dahil nagpapabaya ang taumbayan? Ako ba ho ay […]