ANYARE sa JEEP? ANGKAS may PAG-ASA BANG PAYAGAN?
- Published on June 26, 2020
- by @peoplesbalita
Kamakailan ay naimbitahan ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ng Quezon City anti-corruption committee chairman, Jano Orate, upang pangunahan ang pagbibigay ng ayuda sa mga jeepney drivers na nakatira sa UP Campus sa QC.
Kasama si Kapitana Zeny Lectura. Ang mga beneficiaries ay ilan sa mga jeepney drivers na napilitan nang mamalimos sa lansangan dahil higit 100 araw na silang walang pasada at walang kita. Sagad na sa pagtitiis at gutom na ang kanilang mga pamilya. Kahilingan nila ay makapasada na.
Ang pinayagan lang kasi ng DoTR sa ngayon ay ang kanilang tinatawag na “modernized jeeps” na gawa ng banyaga o imported. Kung tutuusin ay mini-bus o coaster type naman ang mga ito at hindi naman jeepney.
Mas bulgar nga ang tawag ni DFA Sec. Teddyboy Locsin sa mga ito na para raw “inflated condoms” ang itsura. Sabi rin ni Sec. Locsin, dapat nga payagan na ang mga iconic jeeps na pumasada.
Nangako naman ang DoTR na pag-aaralan pa rin nila kung papayagan na nga ang mga ito.
Ano ba talaga ang dahilan na ayaw pa payagan! Mapanganib ba ang sumakay sa mga tradisyonal na jeep sa ngayon?
Ayon sa ilang eksperto mas mapanganib nga ang hawaan sa mga kulong na sasakyan tulad ng mga mukhang ‘inflated condoms’ kaysa sa open air na mga sasakyan.
Kaya rin naman ipatupad sa mga jeeps ang social-distancing o physical distancing ng mga pasahero dahil pwede lagyan ng plastic dividers sa pagitan ng mga nakasakay.
Matagal na rin ginagawa ng mga jeeps na bago pa man sumakay ay nagbabayad na ang mga tao sa terminal pa lang para bawas sa physical contacts. At yung mga paglagay ng foot bath at alkohol ay hindi naman mahirap ipatupad.
Mas mahal ang pasahe sa mga mukhang “inflated condons” – P11 pesos samantalang sa traditional na jeep ay P9 pesos lang. Para sa LCSP mas mainam na payagan pareho na makapasada. Kulang ang public transportation kaya hirap makasakay ang mga pasahero.
Sana kung ano ang tangkilikin ng pasahero ay nasa kanila na yun, sila ang dapat magdesisyon at hindi tama na tanggalan sila ng pagpipilian. Pero teka bakit mga bus na ang pumapasada ngayon sa mga ruta ng jeep?
Ang nangyari tuloy, ilang lokal opisyales ang nagrereklamo dahil daw hindi sila kinunsulta. Sa motorcycle-taxis naman – may report na raw na sinumite ang Motorcycle-taxi Technical Working Group sa Kongreso tungkol sa isyu na papayagan ba ang service na ito o hindi. April 14 daw kasi nagtapos ang pilot-run kaya depende sa Kongreso kung papayagan bumalik sa kalye ang mga app-based motorcycle-for-hire.
Sumulat na ang inyong lingcod kay Cong. Edgar Mary Sarmiento, ang pinuno ng Technical Working Group sa House of Representatives at humihingi tayo ng kopya ng report kung meron nga ba. Isinusulong ng ilang mambabatas na payagan na ang motorcycles-for-hire para sa mga tumatangkilik ng serbisyong ito basta lang masusunod ang health protocols.
Marahil ay importante itanong sa mga health experts ang mga protocol na ito. Isyu dito ang social distancing at pag-gamit ng helmet.
Ang helmet kaya ay maaring ma-disinfect kada gamit at malagyan ng plastic cover na proteksyon sa ulo sa loob? Mga readers ano po ang tingin nyo? (Atty. Ariel Enrile-Inton)
-
Speaker Romualdez inaming humingi ng tulong sa kanya ang nagtutulak ng PI
HUMINGI ng tulong kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang mga nagsusulong ng people’s initiative (PI) upang maamyendahan ang Konstitusyon. Ayon kay Speaker Romualdez nilapitan siya ni Noel Oñate upang makausap, at pinagbigyan niya ito bilang bahagi ng diwa ng bukas na dayalogo at pag-unawa sa mga aksyong sibiko na itinataguyod ng mga mamamayan. […]
-
SHARON, pinost ang photo nila ni GABBY kasama ang mga batang partner at game na sa balik-tambalan; hinihintay din si MARICEL na pumayag sa movie nila
KAALIW na naman ang pinost ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Instagram account na kung saan pinagtabi ang photo na kasama niya si Marco Gumabao para sa movie na Revirginized at si Gabby Concepcion na kasama naman si Sanya Lopez para sa GMA series na First Yaya. Caption ni Mega, “And you, Kitina’s […]
-
“SHAZAM” FIGHTS FOR THE WORLD IN “FURY OF THE GODS” TRAILER
FRESH from the San Diego Comic Con, check out the official trailer for “Shazam! Fury of the Gods” – in cinemas across the Philippines January 8, 2023. YouTube: https://youtu.be/6WCxvXNYVSA Facebook: https://fb.watch/erWsg6auN2/ About “Shazam! Fury of the Gods” From New Line Cinema comes “Shazam! Fury of the Gods,” which continues the story of […]