• July 2, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Thirdy Ravena, prayoridad pa ring makapaglaro sa Gilas kahit sa Japan na maglalaro

Hindi pa rin binibitawan ni dating Ateneo Blue Eagles star player Thirdy Ravena na mapabilang sa Gilas Pilipinas.

 

Ito ang kinumpirma ni Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) President Al Panlilio, kahit na kinuha na siya na maglaro sa isang koponan ng Japan Basketball League.

 

Si Ravena kasi ang kauna-unang Filipino na pumirma at maglaro sa first division ng Japan Basketball League na isang professional league.

 

Dagdag pa ng SBP president na prayoridad pa rin ni Ravena ang pagiging bahagi ng Gilas Pilipinas.

 

Napabilang kasi si Ravena na naglaro sa FIBA World Cup Asian Qualifiers noong nakaraang taon at bahagi rin siya sa first window ng FIBA Asia Cup 2021 qualifiers noong Pebrero.

Other News
  • Sec. Roque, walang ideya kung mag-State Visit ang Pangulo sa ilalim ng liderato ni US President-elect Joe Biden

    WALANG ideya si Presidential spokesperson Harry Roque kung may plano si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bisitahin ang Estados Unidos sa ilalim ng liderato ni President-elect (Joe) Biden bago matapos ang termino nito sa 2022.   “Wala po akong nalalaman ‘no at siyempre po iyan naman po ay sang-ayon din sa magiging imbitasyon nitong si […]

  • Libreng sakay program sa Metro Manila ibabalik simulan Nobyembre 1

    IBABALIK ng gobyerno ang libreng sakay program sa mga public utility jeepneys at buses sa Metro Manila.     Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magsisimula ang nasabing programa sa Nobyembre 1.     Inaprubahan na kasi ng Department of Budget and Management ang P1.3 bilyon na funding para sa nasabing […]

  • Mayor ISKO, napili para maging bida ng ultimate ‘Bonifacio’ film; may basbas ng great granddaughter ng bayani

    SI Manila Mayor Isko Moreno ang napili ng Regal Entertainment para sa Bonifacio film na ididirek ni Erik Matti.     Isa raw legacy project ang film bio ni Bonifacio at ang pagkapili kay Mayor Isko ay may basbas ni Susan Meyer, na great granddaughter ng Filipino hero na si Andres Bonifacio.     Ayon […]