• January 6, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PhilHealth services magpapatuloy na may kaakibat na mas maraming benepisyo- PBBM

TULOY-TULOY ang paghahatid ng serbisyo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa kabila ng zero subsidy na matatanggap nito mula sa 2025 national budget.
“Sisiguruhin natin na tuloy-tuloy at mas lalawig pa ang mga benepisyo ng lahat ng Pilipino sa ilalim ng PhilHealth,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati sa isinagawang paglagda sa P6.326 trillion 2025 national budget.
Binigyang din ng Pangulo na mananatiling committed ang administrasyon na iprayoridad ang social services sa 2025 budget, kabilang na ang sektor sa edukasyon, pangalusugan, economic services, imprastraktura at agrikulutura.
Inulit naman ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin ang sentimyento ni Pangulong Marcos sa isang press conference, Siniguro na gagawin ng Office of the President (OP) ang lahat ng remedy para mapanatili ang serbisyo ng PhilHealth.
“Sinabi ng ating Pangulo kanina na walang mababawas na benepisyo kundi magdagdagan pa. At, pinaliwanag ni Secretary Ralph Recto ngayon, na ang PhilHealth ay maraming resources na maaari niyang gamitin sa pagpapalago ng benepisyo para sa mga kababayan natin,” ang sinabi ni Bersamin.
“‘Wag kayong mag-aalala, ang inyong Executive Branch ay maingat … mabusisi sa paggamit ng ating resources,” aniya pa rin.
Tinukoy ni Bersamin ang pahayag ni Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto na nagbibigay-diin sa matatag na ‘financial standing’ ng PhilHealth.
Sinabi ni Recto na P280 billion na reserve funds, isang P150 billion surplus, at mahigit P400 billion sa investments.
Winika pa ng Kalihim na ang corporate operating budget ng PhilHealth ay sapat. Maaaring i-monitor ng pamahalaan ang fiscal performance nito sa mga darating na taon.
“They have adequate resources. Now, having said that, we in the Department of Finance, next year, tutukan namin ang PhilHealth. We will make sure that we spend that budget better,” aniya pa rin nang hilingin na ipaliwanag ang budget ng PhilHealth.
Tinuran ng Kalihim na partikular na pagtutuunan nila ng pansin ang ‘benefit package’ para sa ‘top 10 illnesses.’
At hinggil naman sa tanong kung pananatilihin ng Pangulo ang zero-budget allocation, ang paliwanag ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ay hindi naman gumawa ng kahit na anumang malaking pagbabago ang gobyerno sa enrolled bill.
“Pag wala na po sa enrolled bill, wala po. Hindi [na] po siya [pwede]. Hindi po natin puwedeng dagdagan,” ayon sa Kalihim.
Nauna rito, pinirmahan ng Pangulo ang P6.326 trillion 2025 national budget mula sa inisyal na panukalang P6.352 trillion.
Bineto (veto) ng Pangulo ang P194 bilyong halaga ng proyekto na aniya’y “inconsistent with the administration’s priority programs.”
Sa naging talumpati ng Pangulo, sinabi nito na direkta niyang bineto ang mga probisyon na hindi tumutugon sa pangangailangan ng mga tao.
“Conditional implementation on certain items was also pursued to ensure public funds are utilized according to authorized purposes,” ang dagdag na pahayag ng Pangulo. ( Daris Jose)
Other News
  • Ancajas alpas sa puntos vs Mexican, hari pa rin

    BINALEWALA ni Jerwin ‘Pretty Boy’ Ancajas ang may 16 na buwang pagkakaburo dulot ng Covid-19 para tatlong beses itumba si Jonathan Javier Rodriguez ng Mexico sa eight round at hablutin ang unanimous decision upang mapanatili pa rin ang International Boxing Federation (IBF) junior bantamweight Linggo sa Mohegan Sun Casino and Resort sa Uncasville, Connecticut.   […]

  • Guidelines para sa online purchases ng senior citizens, PWDs tinintahan

    TININTAHAN na ang guidelines o alituntunin para sa online purchases ng senior citizens at persons with disabilities.     “Under the new guidelines, senior citizens and persons with disabilities are entitled to avail the 20% discount on the purchase of goods that are vital for their sustenance and existence,” ayon sa kalatas ng Department of […]

  • DILG ibinida 73.7% ‘pagbaba ng kriminalidad’ sa unang 5 taon ni Duterte

    KUNG paniniwalaan ang Department of the Interior and Local Government (DILG), “lagpas kalahati” ang naiawas sa crime rate ng Pilipinas simula nang umupo si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 hanggang 2021.     Ito ang inilahad ni Interior Secretary Eduardo Año, Lunes, sa katatapos lang na talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa state media.   […]