• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cimatu, positibo ang pananaw na masolusyunan ang lumalalang COVID cases Cebu

Positibo ang pananaw ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu, na sa kanyang bagong assignment ay masolusyunan ang lumalalang mga kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Cebu.

 

Sa isinagawang virtual press briefing ng IATF, sinabi ni Cimatu na bibisita ito sa ilang mga barangay sa Metro Cebu na may mataas na bilang ng mga nahawaan ng virus.

 

Dagdag pa nito, handa itong makikinig sa mga hinaing ng mga barangay officials upang matugunan ang lalo pang pagkalat ng virus.

 

Kaya naman daw malaki ang tiwala nito na humupa ang bilang ng mga reported cases sa gagawin nitong mga hakbang.

 

Samantala, ikinatuwa naman ng mga lider sa Cebu ang appointment ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Cimatu.

 

Masaya ngayon si Cebu City Mayor Edgardo Labella dahil sa pagbabalik ni Cimatu at nakita na rin nito ang mga accomplishments kagaya ng Boracay rehabilitation, at iba pa.

 

Sinabi rin nito na malaki ang concern ng Pangulo sa COVID-19 situation sa lungsod lalo na at umabot na sa mahigit 4,000 ang confirmed cases.

 

Sumang-ayon din si Cebu Governor Gwendolyn Garcia sa pagbisita ni Cimatu upang makita ang tunay na kalagayan o real picture ng Cebu City patungkol sa pandemya na syang nakaapekto rin sa buong isla. (Daris Jose)

Other News
  • 2 Christmas Tree pinailawan sa Navotas

    Bilang hudyat na papalapit na ang kapaskuhan, isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang taunang pagpapailaw sa kanilang malaking Christmas Tree para ipadama sa mga NavoteƱo ang diwa ng Pasko.   Sinaksihan nina Navotas City Mayor Toby Tiangco at Congressman John Rey Tiangco ang isinagawang Virtual Lighting ng Navotas Christmas Tree na matatagpuan sa harapan […]

  • 5 sabungero arestado sa tupada

    LIMANG indibidwal ang arestado matapos maaktuhan ng pulisya na nagsasabong sa isang ilegal na tupada sa Valenzuela city, kamakalawa ng hapon.   Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Fernando Ortega, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Intelligence Branch (SIB) ng isang text message mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) tactical operation command hinggil […]

  • KYLIE, naka-move on na kaya dedma na lang nababalitang relasyon nina ALJUR at AJ; malaki ang pasasalamat kay ANDREA

    KUNG maingay ang balita sa relasyong Aljur Abrenica at AJ Raval, iba naman ang drama ni Kylie Padilla.     Tila dedma o talagang naka-move-on na si Kylie sa naging hiwalayan nila ni Aljur at tila unaffected na ito kung kanino man nali-link o balitang may karelasyon ang ama ng mga anak niya. Nag-like pa […]