5 sabungero arestado sa tupada
- Published on November 4, 2020
- by @peoplesbalita
LIMANG indibidwal ang arestado matapos maaktuhan ng pulisya na nagsasabong sa isang ilegal na tupada sa Valenzuela city, kamakalawa ng hapon.
Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Fernando Ortega, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Intelligence Branch (SIB) ng isang text message mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) tactical operation command hinggil sa nagaganap na tupada sa Tercias Compound, Brgy. Karuhatan.
Dakong alas-3:20 ng hapon nang salakayin ng mga operatiba ng ng SIB sa pangunguna ni P/Capt. Marissa Arellano ang naturang compound na nagresulta sa pagkakaaresto kay Alejandro Dela Cruz, 63, Jeffrey Solambao, 39, Jhun Bugarin, 45, Robertson Mallare, 26 at Joseph Sabaniano, 36, habang nakatakas naman ang iba pa.
Nakumpiska ng raiding team ang dalawang panabong na manok na may nakakabit pang tari sa mga paa ng mga ito at P3,300 bet money.
Sinabi ni Col. Ortega, ang mga naarestong suspek ay iprinisinta sa Valenzuela City Prosecutor’s Office sa pamamagitan ng electronic inquest proceedings para sa kasong paglabag sa PD 1602 o illegal gambling at inisyuhan din sila ng Ordinance Violation Receipt (OVR) sa paglabag sa So- cial Distancing. (Richard Mesa)
-
PFL tinungo ang ilang lugar sa Laguna para sa bubble game
BINISITA ng Philippine Football League (PFL) ang mga lugar na paggaganapan ng kanilang bubble games. Sinabi ni PFL commissioner Coco Torre, tinungo nila ang Seda Nuvali sa Sta. Rosa city, Laguna. Tiningnan nila ang mga pasilidad nito para maisagawa na ang pagbabalik ng mga football games. Balak kasi ng PFL na magsagawa […]
-
Robredo: ‘Dapat matapos ang pagbabakuna sa lahat ng Pilipino bago mag-2023’
Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang mga opisyal ng pamahalaan na sikaping mapabilis ang pagtuturok ng COVID-19 vaccines sa buong populasyon ng bansa. Pahayag ito ng pangalawang pangulo matapos sabihin ng Department of Health (DOH) na posibleng abutin pa ng 2023 bago maturukan ng bakuna ang lahat ng Pilipino. “Dapat […]
-
Drug suspect kalaboso sa P115K droga sa Caloocan
BINITBIT sa selda ang isang drug suspect matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng ilegal na droga sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta na habang nagsasagawa ng foot patrol ang mga tauhan ng Cadena […]