PSC, target makapagpatayo ng mas maraming sports facilities sa mga susunod pang taon
- Published on January 7, 2025
- by Peoples Balita
TARGET ng Philippine Sports Commission (PSC) na makapagtayo ng mas marami pang sports facilities sa Pilipinas sa mga susunod pang taon.
Kabilang din dito ang pag-aayos at renovation sa ilang mga kasalukuyang pasilidad, dormitoryo para sa mga atleta, at iba pang magagamit ng mga ito sa kanilang pagsasanay.
Ayon kay PSC chair Richard Bachmann, nakapaloob sa kanilang binuong comprehensive infrastructure program ang pagtatag at pagsasa-ayos sa ilang mga pasilidad para sa ilang mga pangunahing sports sa Pilipinas tulad ng boxing at iba pang contact sports.
Inihalimbawa ni Bachmann ang pagbabago sa lumang boxing at pencak silat facilities ng PSC na nasa loob ng Rizal Memorial Sports Complex at ginawa ito bilang isang 7-storey building.
Maliban sa naturang pasilidad aniya, nakahanay ang iba pang mga proyekto ngayong taon hanggang sa mga susunod na taon, salig na rin sa pondong inilaan ng pamahalaan.
Ayon kay Bachmann, kasabay ng pagtutok sa kalusugan at kapakanan ng mga magagaling na atleta ng bansa ay ang pangangailangang maibigay din sa kanila ang maayos at akmang pasilidad na magagamit nila sa ilang serye ng kanilang pagsasanay.
Other News
-
Gobyerno, kailangang manatiling “fully operational” sa kabila ng pagtaas ng Covid-19 infection
SA KABILA nang patuloy na pagtaas ng Covid-19 infections sa hanay ng mga manggagawa sa gobyerno, kailangan pa ring manatiling “fully operational” ang pamahalaan pang matiyak ang epektibong paghahatid ng pampublikong serbisyo. Ang pahayag na ito ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay sa gitna ng pagtaas ng Covid-19 cases sa mga government personnel, […]
-
Djokovic naging emosyonal sa paghaharap muli niya kay Nadal
NAGING emosyonal si Novak Djokovic ng talunin ang matagal na niyang karbal na si Rafael Nadal sa Six Kings Slam exhibition game sa Saudi Arabia. Sinab ni Djokovic kay Nadal na dapat ay hindi muna niya iwan ang tennis. Dagdag pa nito na nais niyang makasama ito habang sila ay retireado […]
-
Ads June 14, 2023