Tuluyang ipinag-bawal na ang videoke sa Navotas hanggang Hulyo 2021
- Published on October 12, 2020
- by @peoplesbalita
ITO ang sinabi ni Navotas City Mayor Toby Tiangco kasabay ng kanyang kahilingan sa City Council sa pamumuno ni Vice Mayor Clint Geronimo na gawing “urgent for consideration” ang ordinansang magbabawal sa videoke at malakas na pagpapatugtog hanggang sa kalagitnaan ng 2021 o habang may online classes.
Nakasaad sa liham ni Tiangco sa Konseho na may petsang Oktubre 5 na ipagbawal ang videoke o pag-iingay maliban kung araw ng Linggo dahil nabubulahaw umano ang mga mag-aaral.
Gayunman, maaari namang mag-videoke o magkasayahan kung araw ng Linggo subalit limitado pa rin ito mula lamang ala-1 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi.
Dagdag pa ni Tiangco, kailangan na magkaroon ng malasakit at pang-unawa sa lahat partikular sa mga estud-yante at guro dahil sa pagbabago ng sistema ng pagtuturo.
Aniya malaking hamon ang adjustment sa learning at teaching system kaya kailangan ang suporta ng barangay at local government unit.
Samantala, tumalima na rin ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa panawagan ng Philippine National Police (PNP) nang magpasa ng ordinansa na nagbabawal sa pagbi-videoke tuwing araw upang hindi makaistorbo ang ingay sa mga batang nasa ‘online class’ at mga nagwo-work-from-home na empleyado.
Nilagdaan ni Mayor Isko Moreno ang Ordinance No. 8688 na nagbabawal sa paggamit ng karaoke at videoke machines mula alas-7 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon mula Lunes hanggang Sabado.
Sinabi ng alkalde na minabuti niyang agad na umaksyon makaraan na makatanggap na ng reklamo mula sa mga magulang ng mga batang naiistorbo ng ingay ng mga kapitbahay nang mag-umpisa na ang pasukan sa mga pampublikong paaralan nitong Lunes.
Ang mga lalabag dito ay papatawan ng multang P1,000 sa unang pag-labag, P2,000 sa ikalawa at P3,000 sa ikatlo at higit pang pagkakataon ng pagsalu-ngat sa ordinansa. (Richard Mesa)
-
Teleserye nina KATHRYN at DANIEL, posibleng maapektuhan sa pagtakbo ni KARLA; ibo-boycott daw ng KathNiel fans
NAKU, makaka-apekto nga kaya sa bagong teleserye nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang pagpasok ni Karla Estrada, ina ni Daniel sa pulitika. Against daw ang KathNiel fans at napaka-vocal nila sa Twitter na lang. Hindi sila against sa pagpasok ni Karla sa politics, ang hindi nila gusto, ang kinaaniban nitong partido. […]
-
Pinagselosan ng naging ex-bf ng singer/actress: Kuya KIM, inamin na nagkaroon talaga ng feelings noon kay GENEVA
INAMIN ni Kuya Kim Atienza sa progamang Mars Pa More, na nagkaroon siya ng feelings noon para kay Geneva Cruz. Sinagot lang ni Kuya Kim ang tanong sa segment ng show na ‘On The Spot’. Ang tanong ay: Sabi ko na nga ba, dapat inamin kong may feellings ako noon para kay—-, naging kami sana.” […]
-
House nais ipasagot na rin dialysis meds sa PhilHealth
INATASAN ni House Speaker Martin Romualdez ang PhilHealth na pag-aralan kung maaari nilang sagutin na rin ang gamot na ginagamit sa pagpapa-dialysis ng mga diabetic patients. Ayon kay House Deputy Majority Floor leader Erwin Tulfo, ito ang nais ng mga mambabatas sa Kongreso para mabawasan o tuluyan ng malibre ang gamot ng mga […]